Kinabukasan ay sinundo ako ni Owen.
"Bakit parang namamaga ata ang mata mo?" Bungad niya sa'kin.
"Nanood kasi ako ng kdrama," sagot ko, which was true, though iba ang unang nagpaiyak sa'kin. I watched kdrama at 12 AM dahil bigla akong nagising. Nakatulog din lang ako pagkatapos ng isang episode.
Natawa si Owen sa sagot ko. "Naku, kdrama addict ka pala."
I smiled sheepishly at him then turned my attention to the radio playing.
"Eliz."
"Hmm?"
"May gagawin ka ba mamaya?"
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa daan at mahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel. Napaisip ako kung may gagawin ba ako. Naalala kong tumawag si mama kahapon.
"Ah oo! Pupunta sila mama dito ngayong araw, tapos mag-dinner daw kami."
He smiled while looking at the road. "Okay."
"Bakit, may meeting or gathering ba?"
"Wala," nakangiting sagot niya. "Pupunta kasi ako mamaya sa studio namin, baka gusto mong sumama para magpiano."
"Ay! Sayang naman. Next time na lang."
"Sure. Yung sa Art's Fest pala, may naisip ka na bang theme?"
Napabuntong hininga ako. "Wala pa nga eh."
Sa Art's Fest kasi ng school, kailangang may dalawang entry per department, pwedeng photo or painting na medium canvass size. Kami ni Owen ang representative ng civil engineering department ngayong taon. Photograph ang naisip kong entry. Mas gusto kong mag-submit ng photograph kasi hindi ko forte ang painting.
"Ikaw ba Owen, may entry ka na?"
"Wala pa. Pero photograph na lang siguro. May nakita na akong subject eh."
Tumango ako sa sinabi niya. "Photograph nga din ang gusto ko kaso lang wala pa akong maisip na magandang gawing subject." Buti pa si Owen meron na. Sana makahanap ako ng inspirasyon para sa Art's Fest. Ayokong magcram sa deadline next month. Cram works have mediocre results, one of my friends said.
Naging tahimik ang byahe papuntang university maliban sa mga boses mula sa radyo. Malalim akong napaisip kung ano ang magiging subject ng photograph na kukunin ko. Maybe I should start appreciating the beauties around me.
Pagkarating sa school parking lot ay pinagbuksan ako ng pinto ni Owen.
"Thanks Owen."
He smiled at me before he patted my head.
"Aish! Owen!" Pabirong naiinis na sita ko.
He laughed at my reaction before he put his arms at my shoulder. And that was the exact position the dean of College of Engineering saw.
"Good morning, Ma'am," Owen and I greeted in unison.
"Indeed a pleasant morning, right Mr. Perez?"
Mukhang nahiya naman si Owen at nagkamot pa siya ng batok niya. Napangiti naman ang dean sa reaksyon ni Owen.
"Have a good day children," our dean remarked before walking off.
Tinawanan ko si Owen pagkaalis ng dean. Hindi niya kasi bagay maging mahiyain.
"Tumigil ka na nga Eliz," naiiritang sabi niya. Namumula pa rin ang leeg at tenga niya na inaassume kong paraan ng pag-blush niya kaya hindi ko mapigiliang hindi matawa.
BINABASA MO ANG
Fated to Happen
General FictionAre you going to defy the rules for the one you love?