Episode 5 - Skeleton in the closet

279 7 0
                                    

Amethyst: Ano? Kung ganun naman pala, may reason na para itigil mo na ang kahibangan mo sa akin.

Christian: Amethyst, nararamdaman ko kay Crystal ang nararamdaman ko sa iyo ngayon.

Amethyst: Teka, ano ba ang gusto mong ipalabas? Pinaglalaruan mo lang ba kami ni best?

Christian: Hindi, hindi ko intension yun… hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman…

Amethyst: Pwes, si Crystal na lang ang piliin mo parang wala nang gulo… (Tumakbo.)

Christian: Amethyst… (Umalis.)

            (Hindi nila alam na may nakarinig pala sa pag-uusap nilang dalawa, si Colleen.)

Colleen: Oh! My God! May nakaraan silang dalawa?

Maya-maya…

Sa cr…

            (Nasa loob ng cr si Crystal habang sinalubong ni Colleen.)

Colleen: Hi!

Crystal: Hello!

Colleen: Um! Crystal, I want to have a chat with you for a minute.

Crystal: At ano naman ang ti-tsismisin natin dito at sa loob pa ng cr?

Colleen: Kung tutuusin, one topic lang naman, eh! But I swear you will be interested in this topic.

Crystal: Hhmm! Mukhang malutong pa yata yung sasabihin mo, mamaya na lang siguro, para medyo lumamig ng konti. (Aalis na sana siya kaso…)

Colleen: You are so pitier than I thought. Akala ko, weirdo ka lang pero ngayon, stupid pa pala.

Crystal: Kung nandidito ka lang para husgahan ako…

Colleen: I’m not finish yet. Yes, I can prove to you that you are stupid, in what way? In this… May napapansin ka ba sa kaibigan mong transfery girl?

Crystal: At ano naman ang kinalaman ng best ko dito?

Colleen: Hindi mo nga alam, worthless talaga yang kokote mo. See, you don’t get it, noh! Bawat kilos at galaw nila, akala mo normal lang.

Crystal: Anong ibig mong sabihin?

Colleen: May nakaraan sila ni Christian. (Nagulat si Crystal.)

Crystal: Ano? H-hindi pwede. Alam mo… tumigil-tigil ka na nga! Kung galit ka sa akin, pwede iba na lang ang gagawin mo sa akin basta huwag lang ang mga ganyan.

Colleen: I’m telling the truth, nothing but the truth!!! I expect that you can’t easily trust me, but in this case, this was for real. If you are not going to believe in me, then it doesn’t concern me at all. Oh! I think you’re scared? That maybe Amethyst will be your rival when it comes to this? Then, get ready, because I sense that there is a possibility that she will defeat you in  this kind of war… Don’t be so furious about me, I am not your enemy actually, just think and be thankful that you had a guardian angel who likes to remind and protect you, which is ME! Bye! (Aalis sana ng…)

Crystal: Sandali!!! Colleen, patunayan mo sa akin na tama yung mga pinagsasabi mo ngayon sa harapan ko, bago ako maniwala sayo.

Colleen: (Tumawa.) I already told you, it doesn’t concern me if you’re going to believe it or not. I just want you to know everything na hindi pa tumutubo ang mga sungay ko sa bawat naririnig kong sigaw na pwede maging disaster sa loob ng classroom.

Crystal: Colleen, naniniwala na ako sayo. Tulungan mo lang ako, tulungan mo lang ako na mapaniwala ang sarili ko. Tulungan mo ako na… na makita kung ano ang ginagawa nila habang nakatalikod ako.

Fixing A Broken Heart (Story of Amethyst) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon