Chapter 1 - Antiquity

614 15 0
                                    

[Amethyst's P.O.V]

~

"Hello, Ma? Bakit po?"

"Nasa Manila Bay po ako pero pauwi na po ako."

"Sige po. Opo. Bye, Ma! I love you!"

Phone conversation namin ni Mama. Pinapauwi na niya ako, maggagabi na kasi eh! But I can't without finishing my masterpiece.

Yep!  I'm in Manila Bay right now to sketch the famous 'magnificent sunset view' of this place. Hinahanda ko na kasi ang sarili ko sa darating na poster making contest this month sa school namin at yung sunset ng Manila Bay yung naisipang ko na maging subject ko sa gagawin ko. Well, after ko siyang i-sketch, sa bahay na lang ako mag-iisip kung ano'ng mixture ng kulay ang gagawin ko sa mismong contest. Right now, I need to go home.

Nang natapos na ako sa pag-i-sketch, tumayo na ako sa pwesto ko at naglakad na palayo. Hinintay ko munang mag-red sign yung stoplight sa mga vehicles para makatawid although wala namang masyadong mga sasakyan ang dumadaan nang mga oras na iyon. Syempre, loyal citizen ako ng Pilipinas! Then, tumawid na ako nang may narinig akong busina ng motorsiklo. Lumingon ako at laking gulat ko na patuloy pa rin ito sa paglapit sa akin. I shriek while preparing myself sa magiging impact ng paglapit ng motor sa akin.

Buti na lang at naisipan ng driver na pahintuin ang motor niya kundi ospital na ang abot ko. Pero nabitawan ko pala yung sketch book ko kaya yun ang nasagasaan ng motor niya.

"Ano ba 'yan!" ang narinig kong sambit ng driver habang inaalis yung helmet niya. "Bumusina na nga yung tao, eh! Magpapakamatay ka ba, miss?"

"Teka? Eh! Nasa pedestrian lane ako at naka-red light naman kaya tama lang na tumawid ako. Baka ikaw yung gustong mangsagasa ng tao," sagot ko sa taong na iyon. Tokwa! Siya na nga yung mali, siya pa yung may ganang magalit. Gwapo sana kaso ang pangit ng ugali. Sarap hampasin ng sketch book na dala ko.

Ay! Wait! Sinagasaan niya pala ang sketch book ko!

Kukunin ko na sana nang bigla na lang niya pinaharurot yung motor niya paalis. Muntikan pa niyang masagasaan ang inosente kong mga kamay. 

Balak ko sanang kabisaduhin yung plate number ng motor kaso malayo na siya. Balak ko pa naman ireklamo sa awtoridad yun. Mukha rin kasi siyang kasing edad ko lang, malamang wala pa siyang driver's license. Naku! Huwag na sanang magpapakita yung lalaki na yun sa akin. Kundi ... Ay! Ewan ko na lang! 

Pagdating ko sa bahay, napansin kaagad ni Mama yung gusgusin kong sketch book habang nagmamano ako sa kanya.

"O, ano'ng nangyari sa sketch book mo?" tanong ni Mama sa akin.

"Nasagasaan po ng motor, Ma," matipid ko namang sagot.

"Buti na lang at hindi ka napaano."

"Malapit na po sana, Ma" sa isip ko. Hindi ko na lang kinuwento at baka magimbal ko pa ang damdamin ni Mama kapag nalaman niya yung nangyari kanina.

Fixing A Broken Heart (Story of Amethyst) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon