Chapter 6: Stranger

74 24 2
                                    

Andrie's POV

Naglakad-lakad lang ako pagkatapos namin mag lunch, magpapatunaw lang.

Nagpunta sa library ang dalawa, may hahanapin daw na book? Ewan nakakahimala nga eh.

Usually ako ang lagi nag-aaya sa kanila magpunta ng library.

Anyways, eto ako ngayon nakaupo sa isa sa mga bench dito sa may parang garden ng Stinson University.

Ang university na apat na taon ko nang pangalawang bahay.

Madalas dito ako tumatambay lalo na pag kailangan ko ng sariwang hangin.

Dito magaan ang pakiramdam ko, may peace and tahimik ang paligid.

May mangilan-ilan ding tumatambay at gumagalang mga students dito.

Napakaganda ng view, bale nasa may gilid ito ng buong university kung titingnan mo ang buong mapa.

Nasa left side siya sa may gilid ng school building.

Ang school building na may five floors sa both sides and seven floors naman sa gitna.

Sa likod ng building ay ang napakalawak na field at sa left side nito ang malaking gymnasium. On the opposite side is the large school canteen and a coffee shop beside it.

Sa likod na bahagi ang dormitory, where some students live.

Yes may dorm dito, pero hindi lahat ng students ay obliged na tumira dito. Pwede rin namang hindi, tulad ko.

Mataas ang lupa dito sa kinaroroonan ko kaya makikita mo mula dito ang nagtataasang bundok sa kabilang dako at dagat naman sa baba nito.

Puro grass ang makikita mo sa lupa at maraming halaman at mga bulaklak. Maraming puno kaya ang sarap langhapin ang hangin dito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang naka-harap sa langit nang naka-pikit.

Nagulat ako at biglang kinabahan nang maramdaman kong may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.

Kaya pilit ko itong tinatanggal.

"Umayos ka, kung sino ka man matakot kana, alisin mo yan kung ayaw mong masaktan!" Bulalas ko sa taong walangyang nagtakip ng mata ko.

Nasense kong tumawa ito ng mahina.

"Grabe nakakatakot naman to." Sabi ng 'di pamilyar na boses, basta ang alam ko lang ay lalake ito.

Actually kinabahan talaga ako, ayo'ko lang ipahalata kaya yun na lang ang nilabas ng bibig ko.

Inalis na niya ang kamay na nakatakip sa mata ko.

Napatayo ako at nilingun ito, kinusot ko ang aking mata dahil nanlabo ito ng konte.

Tinitigan ko ng matatalim na tingin ang lalakeng ang lakas ng loob na gawin 'yon sakin.

Nanlaki ang mga mata nito at ang wierd ng reaction nang makita ako.

"Ai sorry sorry, hindi ko. . .sorry akala ko. . kase. .nagkamali lang ako." Pautal-utal nitong sabi.

I smirked and marahas na tiningnan ang lalakeng ito na nasa harapan ko.

Tiklop naman pala eh.

Per ifairness may itsura, he has this pointed nose, cute eyes, blonde hair na naka-pataas ang ayos and sexy lips.

Maputi at matangkad din. May magandang tindig, maangas nga lang tingnan.

Sige magpa'angasan tayo. Lalaban ako.

Then he smiled at me that shocked me.

Ooh hindi yata natinag sa killer eyes and smile ko. Anu naman kaya ang nasa utak nito. Pagkausap sakin ng isip ko.

Suddenly it's MAGIC !Where stories live. Discover now