015

732 53 30
                                    

"Cupcake! Pakibigay ulit 'to kila Tita mo." narinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

"Sige ma, wait lang!" sabi ko habang bumababa. "Nasaan na?"

"Ayan oh, dalian mo ha?" tumango ako kay Mama.

Pumunta ako sa bahay nila Rozen. Sana naman hindi niya ako ulit pagbaksakan ng pintuan no? Bumukas naman ito at nakangiti si Ryle sakin.

"Hi noona! Tara tuloy ka." pumasok ako sa bahay nila. Tumingin ako sa paligid umaasang makita ko si Rozen.

"Hello!" sambit ko sakanya. "Asan si Rozen?"

"Nandoon sa kwarto niya noona, puntahan mo nga ayaw kasi bumaba."

"Osige, pwede ba?"

"Oo naman po, magkaibigan naman kayo eh." sabi niya sakin. Oo nga naman no, wala naman sigurong masama?

Tinuro sakin ni Ryle kung nasaan. Nagpasalamat ako sakanya at umakyat.

Kumatok muna ako sa pintuan. Baka kasi makaistorbo. Walang sumagot sakin. Naka-ilang katok na ako pero ganoon pa rin.

"magkaibigan naman kayo eh."

Sorry kung mainvade ko man ang privacy mo, Rozen. Curious lang talaga ako sa ginagawa mo ngayon eh.

Binuksan ko na ang pintuan at tumambad sakin si Rozen na naka-bihis na panglalaki.

Ang gwapo niya ngayon.

Nakataas yung buhok. Naka-porma at naka-pabangong panglalaki. Ikaw ba talaga 'to, sissy?

"S-sissy?" sabay naming sabi. Pareho kaming gulat sa mga nakita namin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Napansin kong namula siya. Hala bakit?

"Uhm sabi kasi ni Ryle hindi ka raw bumababa pati okay lang na pumunta ako dito kasi magkaibigan tayo." sabi ko at napangiti sakanya. "Pero oy ha, ang gwapo mo. Sinong ka-date?"

"Ikaw." may binulong siya pero hindi ko masyadong naintindihan.

"Ha?"

"Ikaw."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Mag hunos dili ka nga, Cupcake!

"Ako?"

"Oo, ikaw. Bumaba ka na." natatawa niyang sabi sakin. Aba?!

"Bakit naman?!"

"May pupuntahan tayo." lumapit siya at bumulong sakin. "Butas pa yang damit mo, nakita ko."

Namula ako dun at hinampas siya.

"Sissy!!!!!"

-------

hiiiii hehehehe

cupcake | baekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon