Mag - isa akong naglalakad, and yes gabi na. Tinanong niyo ba. Hindi di ba, eh sa gusto kong sabihing gabi na. Kung bakit naman kase ngayon pinatapos ang mga catch up na activities and notes ayan tuloy nasigawan pa ako ng guard kanina, why? Kase naman mga ate at kuya ako na lang mag isa sa library kanina at magsasara na ang school.
Kaya heto ako --- basang basa sa ulan --- hindi joke lang hindi naman umuulan eh sadyang lonely lang ang peg ko ngayon.
*Crack*
*Crack*
"Ano 'yun?"
"Hello, anybody there?"
"Huy may tao ba diyan."
Ano ba yan salita na ako ng salita dito. Ay tanga, malay mo pusa lang pala or something I don't know, hay naku nagiging slowpoke na ako.
Pero nang mapansin ko na parang may sumusunod na talaga sa akin binilisan ko ang paglakad --- o mas tamang sabihin na tumatakbo na ako.
*Takbo*
*Takbo*
*Takbo*
Hanggang sa tantananan --- nadapa ang loka. Tatayo na sana ako nang may mapansin ako ng dalawang pares ng sapatos. Waaaah.
"Bitawan niyo ko, sino ka ba ha?" Saad ko sa nakahawak sa akin.
"Sumama ka saken." Ang sabi niya.
"Loko ka pala eh, hindi nga kita kilala tapos sasama ako sayo, tanga lang drei."
"Hindi drei ang pangalan ko.".
"Pake ko sa pangalan mo."
"Tssk ang dami mo pang sinasabi ang mabuti pa sumama ka sa akin."
"Ayoko, waaahhh tulong tulungan niyo ako." At doon sigaw na ako ng sigaw.
"Huwag kang maingay kundi tatamaan ka saken."
"Hindi ayoko tulong. Ikaw na panget ka bitawan mo ako."
"Ang ingay mo talaga." Nang akmang sasampalin niya ako ay hindi natuloy dahil may humawak sa kadirdir niyang kamay, like duh. Ang baho kaya ng kamay niya.
"You will set her free and go or I'll kill you." Ay ang tarush ni koya, english speaking, pero ang cold ng pagkakasabi niya.
Sa sinabi ng naka hoodie na lalake, bigla namang tumakbo si panget, tssk ang duwag naman pala kala mo kung sinong matapang.
Wooh! Ang akala ko kikidnapin na ako tapos kukunin yung lamang loob ko o kaya naman i re-rape ako. Waah ayoko nun, duh sino ba may gusto. Bakit ba, tsaka yun napapanood ko sa tv or nababasa ko sa facebook.
Aalis na sana si kuyang hoodie nang pigilan ko siya.
"Kuya salamat, salamat sa pagligtas sa akin. I hope makita ulit kita."
"Huwag kang mag-alala magkikita ulit tayo, Darshana."
Huh! Darshana?
"Ay kuya hindi Darshana pangalan ko." Kaso nakalayo na siya. Sayang, hindi ko nakita yung mukha. Pano ba naman kase nakatalikod saken. Hmp.
Oy koya yung name mo di ko alam. Huhuhu. Search ko sana sa Facebook thus istalk ko. Huehue.
Tsaka hindi naman talaga Darshana pangalan ko.
Haler! I'm Shanice not Darshana.
***
>> Don't Forget to Comment and Vote <<Between Truth and Lies
BINABASA MO ANG
Between Truth and Lies
FanfictionTzuyu of Twice as Shanice Naira Castillo V of BTS as Brayden Jude Hawkins