Dear Diary (BTS Version)

229 9 2
                                    

Dear Diary,
—Yung alagang ipis ko na si antonio, nakita kong patay kanina.😭 Kaya ayun, umorder pa ako ng kabaong na paglalagyan ko sa kanya. Ang sakit kase mahal na mahal ko si Antonio😭 ipapapulis at ipapakulong ko yung pumatay sa kanya. Siya nga pala.. Nakita ko si jimin at jungkook na magkasama kanina, magkaholding hands pa. Nakakainis, ito namang si pandak nagpapacute pa kay ilong. Hngg, magsama sila! Basta ngayon aasikasuhin ko muna yung burol ng alaga kong ipis.. Hanggang dito nalang muna siguro
                         Nagmamahal,
                                    —Taehyung

-x-

Dear Diary,
—Di ko sinasadya na matapakan yung alagang ipis ni taehyung kanina..😱 tumatakbo kase ako tapos biglang dumaan yung alaga niya..basta lang kasi tumatawid sa daanan dapat kasi sa tamang tawiran siya dumaan para di ko siya nabunggo.. 😭Pero diary alam mo ba Kinikilig ako, nakaholding hands ko si jungkook kanina!😊 parang nasa heaven ako😍 crush na crush ko kase siya lalo na yung ilong nya na mas malaki pa kesa sakin hihihi. Sana magkamoment ulit kami next time😙 hanggang dito nalang muna.
Nagmamahal,
—Jimin

-x-

Dear Diary,
—Nakita kong umiiyak si taehyung kanina.. namatay daw kase yung alaga niyang si antonio, yung ipis. Nasasaktan ako na nakikita ko si hyung na ganun😭💔 kaya nga kapag nalaman ko kung sino yung pumatay sa ipis nayun di ko siya mapapatawad. Gusto ko sanang damayan si hyung kaso di niya ako pinapansin. May nagawa namaman ba ako na masama? :( susurpresahin ko nalang si hyung para sumaya siya.. Magpapatulong ako kay jimin.. Hanggang dito nalang muna
Nagmamahal,
—Jungkook

-x-

Dear Diary,
—Kinukulit ako si jungkook kanina, bat daw di ko siya kinakausap. Ayun, pinaalis ko. Ayaw ko magpahalata na nagseselos ako kay jimin kase magka-holding hands sila kanina. Gusto ko naman talaga yakapin si jungkook kanina tapos umiyak kase di parin ako makapaniwala na patay na si Antonio.😢 kaso nasasaktan parin ako dahil sa nakita ko kanina. Mahal ko kase si kookie eh💔 sana magkaayos narin kami😭 hanggang dito nalang muna sa ngayon diary
Nagmamahal,
—Taehyung

-x-

Dear Diary,
—Pumunta ako kanina sa kuwarto ni jimin. Nagpatulong kase ako sa kanya sa surprise ko para kay taehyung. Pero, di ko sinabi na para kay hyung yun. Ewan ko nga eh, habang nagsasabi ako sa kanya ng plano namumula siya tapos kinikilig? :3 naiihi siguro siya kanina kaya ganun 😌 balak ko rin sana magpatulong ka sa kanya na hanapin yung nakapatay sa ipis ni hyung😊 mamaya na ulit diary <3 maguusap muna kami nitong pandak nato para sa plano💕
Nagmamahal,
—Jungkook

-x-

Dear Diary,
—Grabe si jungkook kanina diary! di ko alam kung bakit di niya iniisip na kinikilig na ako sa sinasabi niya!😍 may pa surprise-surprise pa kaseng nalalaman yung ilong nayun😍 kahit di naman niya sabihin alam kong ako yung isusurprise niya hihihi💚 baka magtatapat na siya na gusto niya rin ako diary💕 matutulog na ako excited na ako para bukas. Goodnight <3
Nagmamahal,
—Jimin

-x-

Dear Diary,
—Ang sakit pala umasa💔 akala ko magtatapat narin si kookie na gusto niya ko pero hindi pala.. Ako lang pala talaga yung nag-assume na gusto niya rin ako😢 para pala kay taehyung yung surprise nayun.. Kaya ayun sa sobrang sakit di ko napigilan tumakbo ako palayo sa kanila, andito ako ngayon sa may highway. Gabi na at ako nalang magisa yung andito.. Natatakot ako pero bahala na. Di narin ako aasa na susundan ako ni kookie.. Hanggang dito nalang muna diary😭💔
Nagmamahal,
—Jimin

-x-

Dear Diary,
—Biglang tumakbo si jimin palayo kanina samin ni taehyung-ah. Nakita ko rin na parang basa yung cheeks nya bago siya tumakbo. :( Hindi ko alam kung anong nangyare pero susundan ko siya. Maulan narin kase sa labas at gabi na masyado ng delikado para kay jimin ang mag-isa. Tsaka di ko hahayaan na mag-isa lang siya dun mahalaga rin siya sakin at di ko hahayaan na may mangyare sa kanya.😭 babalik ako mamaya diary.
Nagmamahal,
—Jungkook

-x-

Dear Diary,
—Basang basa na ako, sumakto pa talaga na ngayon umulan. Malungkot din ba ang langit? :( Dinadamayan niya rin kaya ako? Pero kahit naman di ako napapansin ni jungkook.. Kahit ibang tao naman yung gusto niya. Okay lang sakin, mahal na mahal ko parin siya.💔 Pero, kahit naman gano ko siya kamahal di niya kayang suklian yung pagmamahal nayun kaya mas mabuti narin siguro kung di na ako bumalik sa bahay. .. 😭 Wait lang diary, babalik ako. Saglit lang, parang may nakasunod kase sakin.
Nagmamahal,
—Jimin

-x-

Dear Diary,
—Tumakbo si jimin kanina tapos nagpaalam sakin si jungkook na susundan niya.. 😌 Alam ko naman na matagal ng may gusto si jimin kay jungkook kaya nasaktan siya sa ginawa ni jungkook para sakin.😢 Mahal ko si jungkook pero mahal ko din naman si jimin kaya ayaw ko na makita siyang nasasaktan.💔 Tingin niyo ba? Pano kaya ako makakabawi sa kanya? Aantayin ko yung mga sagot niyo :D
Nagmamahal,
—Taehyung

-x-

Dear Diary,
—Nakita ko na si jimin, nagulat siya nung makita niya ako na nakasunod sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad tapos lumapit ako. Saglit na natahimik din kaming dalawa tapos binuhat ko na siya pauwi😊 akala ko magagalit siya pero tinitigan niya lang ako.. tapos ngumiti. 😄 sa totoo lang ang cute niya kapag ngumingiti siya. Yung nawawala na yung mata niya😍.. Eh? Ano bayang pinagsasabi ko :3 basta, masaya ko na okay naman pala kami 💚
Nagmamahal,
—Jungkook

Credits. Dianne Park.

All About K-pop [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon