Tatlong araw na ang nakalipas at ilang balik na ako sa mansion nina Ethan. Pati ang condo niya nilusob ko na pero hindi ko parin siya nakita ulit. Alam niyo yung feeling na namimiss mo yung isang tao nang sobra sobra. Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakatulala ako sa kawalan at nakatitig lang sa mansion nila.
Kinuha ko ang tasa nang kape at sumimsim. Dinama ko ang kainitin at kapaitan. Sinadya ko talagang damihan ang black coffee na wala man lang nilagay na sugar ni kahit isang patak o isang kotsara. Miss na miss ko na talaga kasi siya.
Sayang ba naman kasi ang hinanda ko sakaniyang chocolate cake. Gusto ko kasi sana siyang bigyan non eh. Hinanda ko nga iyon para sakaniya pero wala nga talaga siya eh. Kanina ngang umaga naghanda ako nang cookies sakaniya. Baka kasi na masasawa na siya sa chocolate cake kaya cookies naman. Actually nga, hindi pa talaga ako sure sa taste nun pero ginawa ko talaga iyon para lang sakaniya. Ginawa ko kasi iyon with all my heart.
Napatitig naman ako sa black van na papadating. Baka si Ethan na ito, kaya napatayo ako at napuno nang excitement ang puso ko. Timing naman na bumukas ang gate nang mansion nila kaya napangisi ako nang malapad. Pumasok na ang van sa loob at ipinark ito sa bakuran. Sinilip ko ang paglabas nang nakasakay doon. Pero nagkakamali ako. Hindi kasi siya.
Hindi si Ethan my labs ang lumabas kung hindi si Tobby at wala nang iba. Naka-shades at naka v neck white shirt at denim jeans habang inalalayan sa body guard na kunin ang malaking maleta. Teka nga galing ba ito sa labas nang pilipinas?Nakita kong napalingon si Tobby kaya ngumiti ako at kumaway kaway sakaniya, napangiti naman siya sa akin at natawa. "Hi to you Binibining Realanna!" Sigaw niya sa kabilang dako, "Hello Tobby, Si Ethan po?" Tanong ko sakaniya.
Napatigil siya at huminga nang malalim, nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi kaya ikinunot ko ang noo ko.
"Uyy! Tobby!" Sigaw ko, napatulala kasi siya eh.
Muli naman siyang napatingin sa akin at kumurap kurap, "Wala siya rito. Nagbakasyon. Pero sa narinig ko hinahanap niya yung kababata niyang matagal na niyang hinahanap. Yung sinasabi niyang mahal nya raw. Basta yun."Parang pinunit ang puso ko sa sakit nang marinig ko ang mga karatang sinabi ni Tobby. Parang nawala lahat nang enerhiya ko at diretsong napaupo nalang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko kaya niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at tahimik na umiiyak.
Bakit ba kasi ang over reacting ko sa mga ganitong bagay. Hey, Anne Cheer up! Lalaki lang yan. Hay, gusto kong tumahimik at hindi na umiyak pero hindi ko makaya. It just i don't know what to do kung hindi ang gawin nalang ang mga bagay na ito kahit ayoko.
It is just part of my personality. Ang dali dali ko lang kasi masaktan eh. Why i am being like this, narinig ko na naman kasi iyang sinasabi nilang kababata raw ni Ethan. Matagal na na narinig ko yan galing rin sa bibig ni tita pero binaliwala ko lang iyon at ininda ang sakit na naramdaman.
Pero ngayon kasi, akala ko Ethan already moved on with that girl. But im wrong. Hindi ko akalain na hanggang ngayon ang babaeng iyon parin ang pinili niya kahit na ayaw naman sakaniya nang babaeng yun. Sabi kasi nila kababata raw iyon ni Ethan.
Alam ko lamang ang babaeng iyon sakin kasi mahal siya ni Ethan habang si Ethan hindi naman ako mahal, sadyang sa aming dalawa.. Ako ang mahal si Ethan.
Pero ang masakit lang kasi ay yun.
Bakit ba naman kasi ako nangangarap sa ganitong bagay eh. Meron din naman akong maraming suitors pero bakit hindi ko sinagot? Kasi may iba akong gusto ganon? Kaya ba naranasan ko rin ito ngayon?
Ethan Alarcon's Point of View
Dinama ko ang hangin na humahampas sa mga mukha ko at kinuha ang kape sa gilid ko. Sumisim ako nang konte non at tumingin sa aking harapan. Gusto ko siyang suntukin at patayin dahil sa pag-agaw niya sakin kay Carla pero hindi ko magawa.
Dahil ba nakita ko kung gaano sila kasaya sa isa't isa kaya ganon?
Pero bakit ganito, hindi ako makapagpigil.
Mahal na mahal nila ang isa't isa the way na nagtatama ang mga paningin nila. The way na ngumingiti sila sa isa't isa at kung sa ano pa man.Nagseselos ako pero bakit ganito. Noon pa man ay pinangarap ko na ang mga bagay na ito pero hindi ko makuha.
Carla ba naman kasi eh.Matagal na matagal na kitang hinintay pero hindi mo man lang napansin ang pagmamahal ko sayo.
Pinapahanap pa nga kita pero hito.
Sana hindi ko nalang pinagkatiwala ito kay Edward. Pero wala na eh. Wala na akong magagawa.
Narinig ko na ang dahilan niya. At kung paano hindi niya mapigilan ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya wala na akong magawa.
Bahala na ito.
Ang sakit sakit lang rin kasi eh.
Tobby Alarcon's Point of ViewNakita ko kung paano umiyak si Realanna gusto ko siyang aluin at paiyakin sa bisig ko pero baka sabihin niya hindi niya ako kailangan sa tabi niya. Gusto kong sapakin ang kapatid ko pero hindi ko magawa dahil nirespeto ko rin siya bilang kuya niya.
But Realanna, hindi bagay ito sakaniya. In the first place nga dapat hindi ko iyon sinabi sakaniya kanina para hindi siya maging ganito.Minsan nga naisip ko kung ako nalang kaya si Ethan para sakin nalang siya mainlove nang ganon. Imagine mo ang mga effort na ginawa niya sa kapatid ko na hindi niya man lang napansin.
Nandito na ako sa labas nang gate sa mansion nina Realanna. Gusto ko siyang puntahan sa teresa ngayon pero bakit naduduwag ako? Nagsisi ako sa mga sinabi ko kanina sakaniya. Sana hindi ko nalang yun sinabi para hindi siya umiyak ngayon.Napatalon ako sa gulat nang may nag peep na kotse sa likod ko, napakurap kurap ako. Si tita at tito pala. Kotse nina Realanna.
Lumabas si tita sa kotse at napatingin sa akin, "Oh iho, anong ginagawa mo sa labas nang bahay namin?" Tanong ni tita sa akin, "Ah ano po kasi tita, ah.. ano.. kasi tita.."
"Ano yun iho?" Tanong ni tita habang nakakunot na ang noo niya sa akin.Baka na weweirdohan na si tita nito sakin, nakakabawas yun nang pogi points. Tsararat, paano ba to? Ano bang idadahilan ko.
"Ah ano kasi tita.." Napaisip ako nang dahilan, ano ba kasi tong pinasok ko.
Nakakunot noo parin si tita sakin.
"Hmm, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito tita eh?" At napakamot ako sa ulo ko. Fvck this Tobby!
"HAHAHAHAHAHA, Ikaw talaga iho! Tara pasok ka sa bahay namin. Kakadating lang kasi namin iho eh. Kaya ayun at naiwan dito si daughter sa bahay. Tara."
At binuksan na ang gate, napakamot nalang ulit ko sa ulo ko.Napatingin naman sa akin si tita at pinoint niya ang ulo ko at kinuskos, "Ano bang meron sa ulo mo iho? Makati ba? May kuto ka?"
"Po? Tita, naku wala po. HAHAHAHAHA!"
Ipinasok na rin ni tito ang kotse. Tinulungan ko nalang rin silang kunin ang mga dala nila papunta sa loob.
Hashtag ka weirdohan zoned.Beauty's note: Hi guys. Sorry for the long time no update. Hope you like this chapter. :) Mwa.

BINABASA MO ANG
Foolish Love
RomanceMay iba't ibang cycle nang pagmamahal, pero ano bang tawag dito? Love triangle? Hindi. Dahil sa rami kasi namin sa cycle na ito, parang na-baliw na ang cycle nang pagmamahal na ito. Ano ba ito ha, Foolish love? All rights reserved 2017@