Chapter 3

6 2 2
                                        


Second. 






"Lika dito magandang binibini, huwag kang mahiya diyan." Wika ni Tobby kaya lumapit nalang rin ako malapit sakaniya, kinuha niya naman sa akin ang hawak kong chocolate cake na para kay Ethan at hinanda. 

"Oh, Ethan, dito ka nga!" Sigaw niya sa kabilang dako para marinig ni Ethan, nasa salas kasi ito ngayon at nanonood nang basket ball, napalingon naman siya rito. 

"Ano ba? Disturbo ba naman kasi eh!" Sigaw ni Ethan, yumuko naman ako at umiwas nang tingin sakaniya. Hinawakan naman ni Tobby ang braso ko, "Naku naman Ethan, ikaw pa naman ang dinalhan nito ni Realanna tapos hindi mo kakainin, Teka-Realanna ang sarap ah? Ikaw ba gumawa nito?" Tanong ni Tobby sa akin, napatingin naman ako sakaniya at tumango tango. 

"Oh, diba? Ang sarap mag-bake ni Realanna tapos hindi mo kakainin ito, nag-effort siya rito ano ka ba naman diyan Ethan. Respeto naman sa mga babae." Pagpapatuloy ni Tobby, habang ako naman nanatiling nakayuko. 

Ayoko kasing makasalubong nila ang mga mata ko na may namumuong mga luha. Gusto ko nang umiyak, ang sakit kasi eh. Nag-eeffort kasi akong gawan siya nun kaso hindi niya naman kakainin. Ang rami ko pang nasayang na ingredients tapos wala lang yun sakaniya. Na-dissapoint ako, i expect to much kasi. 

Palihim ko nalang na pinunasan ang mga luha na tumulo na talaga galing sa mga mata ko at nagtaas nang tingin, napatingin naman sa akin si Tobby. 

"Ahm, Tobby. Okay lang naman po na hindi niya kakainin, sayo nalang po yan. S-sige po, alis na ako. Salamat." 

Tumalikod na rin ako kaso lang ay hinawakan ni Tobby ang braso ko kaya napatingin ako sakaniya, "Bakit po?" Tanong ko sakaniya, ngumiti naman ito sa akin. 

"Hatid na kita?" Alok niya sa akin, "Ah. Huwag na, okay naman ako. Dala ko naman ang kotse ko, kaya sige. Enjoy Eating. Salamat." At dali-dali akong naglakad palabas, pero bago iyon binigyan ko nang titig si Ethan bago ako makalabas sa pinto, nakatitig lang siya sa TV na parang walang pakialam sa nangyari sa paligid. 

Nang makalabas ako sa condo unit ni Ethan, naiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, sumakay na ako sa kotse ko at doon inilabas lahat nang lungkot ko dahil sa hindi kinain nang crush ko ang binake kong chocolate cake. 


Ang sakit sakit lang naman kasi. 









Ethan Alarcon's Point of View 




Nang makalabas siya sa condo unit ko, kaagad na akong napalingon kung saan si Kuya Tobby. Nakangisi siya sa akin nang pang-asar. 

"Alam mo Ethan, kung ako sayo mai-in love nalang talaga ako kay Realanna keysa magpaka-martyr kay Carla na iyon." 

Carla. Ang babaeng hanggang ngayon na kinababaliwan ko at wala nang iba. Simula nang makilala ko si Carla, nagbago ang lahat nang pakikitungo ko sa buhay. Ang madilim na buhay ko, ginawa niyang makulay. Kaya ko nga siya hinahanap hanggang ngayon eh, iniwan niya kasi ako non. 

Pero itong si Kuya Tobby, may pagka-shunga rin minsan. 

"Kuya, alam ko naman na sa simula palang mahal mo na talaga iyang si Realanna, Pero bakit mo naman siya tinutulak sa akin?" 

Napaiwas naman nang tingin si kuya sa akin at tumitig siya sa cake. 

"Minsan kasi sa pagmamahal keylangan mo ring mag-let go. Kung sa tingin mo anong makakapagpasaya sakaniya, yun nalang ang pipiliin mo keysa pilitin mo siyang mahalin ka kahit hindi niya naman kaya dahil may mahal siyang iba." Wika ni kuya Tobby. 

Napatulala naman ako, oo nga naman. 

"That's it. May point ka kuya, pero paano ko naman magagawa iyon kung may mahal naman akong iba? diba?" 

"Then start by making attentions to other people. Itigil mo iyang pagkasuplado mo. Iyan kasi ang nakakasama sayo eh." 

"Paano ko naman magagawa iyon kuya kung sa simula palang, ganito lang talaga ako?" 


"Naku, Ethan. Itigil mo na nga iyan, pero basta. Kung ayaw mo naman sakaniya, mabuti pang sakin nalang siya?" 

Napakamot naman ako sa ulo ko. 

"Ewan ko sayo, Ulul mo." 

At tumalikod na ako sakaniya at tumayo, lumapit ako palapit sa kusina at kinuha ang kinakain na cake kay kuya. 

"Akin na nga iyan!" Sabi ko, nanlaki naman ang mata niya dahil sa ginawa ko.

"Ano? Angal?" 

"Hay nako, Ethan. Ano ba naman iyan. Makakuha nga nalang nang iba." At kumuha siya ulit nang maliit na platito at kukuha na sana kaso pinigilan ko siya. 

"Kuya, back off. Para sakin to." Kinuha ko ang chocolate cake at ipinasok sa ref. 

"Bumili ka nalang sa Red ribbon. Marami don. At saka, umuwi ka na." Sabay tulak ko kay kuya palabas. 

Binuksan ko naman ang pintuan hanggang sa makalabas na talaga siya, at kung minamalas nga naman si Kuya. 

Nasa labas si Naumi Verga, ang babaeng noon paman ay baliw na baliw sakaniya. 

"Omyghash! Tobby, come here with me!" Sabay hatak nito kay kuya at hinalikan pa sa mga labi, nanlaki naman ang mga mata ni kuya sabay tulak kay Naumi. 

Kawawang babae. 

"Lumayo ka nga sakin!" Sigaw ni kuya kay Naumi, natahimik naman si Naumi. Pero dahil dakilang makulit itong babaeng ito, inumang pa ang braso ni kuya at hinawakan. 

Yan ang bagay sayo. 

Sinara ko na rin ulit ang pinto at pumunta sa kitchen. 

Kumain lang ako sa chocolate cake na dala ni Realanna. 

Hindi ko naman kasi akalain na gagawin niya ang chocolate cake na ito na para sa akin. Pero oo nga naman, masarap siya. 

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tiningnan ang picture ni Carla. 

Miss na miss ko na siya at hinahanap ko parin siya hanggang ngayon. Child hood friend ko kasi siya. Pero simula nong lumipat sila hindi ko na siya nakita at iniwan na niya ako nang tuluyan. At hanggang sa lumaki ako, hanggang ngayon hindi parin nawala ang pagmamahal na ito para sakaniya. 

Beep beep. 

Sinagot ko kaagad ang tawag na galing kay Edward. Ang personal detective ko. 

"Hello? Edward, nahanap mo na ba siya?" Tanong ko kay Edward sa kabilang linya, wala akong narinig na sagot imbis na hinga lang ang narinig ko, "Edward?" Balik ko, "Yes, sir?" 

"Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko ulit, natahimik naman ulit si Edward, "Hey Edward? Ano bang nangyari sa iyo?" Tanong ko, "Yes, sir? N-nahanap ko na siya. Pero sir, may kasintahan na siya." 


Hindi ako nakasagot. 

Imbis na nagdilim ang paligid ko at gusto kong sapakin kung sino ang kasintahan nang mahal ko. 

"Ano! Sino?" Sigaw ko, kilalang kilala ko si Edward. Alam na alam ko kung kinakabahan siya o ano kagaya nalang ngayon, naging kaibigan ko kasi siya. Kaya siya na rin ang pinapahanap ko kay Carla dahil professional siya. 

Natahimik naman ang sa kabilang linya. 

"Ako, sir. " 


Pagkatapos non, wala nang sumagot. 


Naputol ang linya. 


Gusto ko siyang patayin. Pero anong magagawa ko? Hindi ko alam kung saan sila ngayon. 


Bago ko ihampas ang cellphone ko sa table. 

May text akong nakita.


Galing kay Edward. 


Sir, i'm very very sorry. Hindi mo na kami mahahanap, masaya na kaming dalawa. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako. 



Foolish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon