Chapter 1 - The Heart Bleeds

114 9 2
                                    

KIERA

"Tita, I can assure you po na kaya ko na. Don't worry about me po." I assured her. This is what Iove about her, kahit na hindi niya kami anak, todo-todo pa rin ang pag-aalala niya sa amin. Marahil siguro na wala siyang pamilya kung hindi kami. May pamilya man o wala, we will love her the same.

"Nag-aalala lang ako sayo. After nung nangyari sa inyo hindi ko mapigilan-"

"Tita, kaya nga po tayo lumipat 'di ba? New environment na po ito, and if that happens again, I will make sure na I'll stay out of it as much as possible." Conviced, she nodded. Niyakap ko si Tita Cleo. Hindi ko alam ang mangyayari pag pati si Tita Cleo, mawala sa amin. No. Never.

"Let's go Adrian!" hinablot ko na ang bag ko sa upuan at lumabas na.

Kinuha ko 'yung susi ko mula sa bag at inis-start ang sasakyan. Sumakay na si Adrian at pinaharurot ko na ito.

I am stoked and nervous at the same time. Wala pa akong kilala na iba dito sa lugar na ito. Ang hirap mag-adjust lalo na't maggrade 11 pa lang ako. Mas maganda na 'yung tinapos ko na iyong high school ko sa dati kong school para hindi na ko mahirapan kaso dahil nga sa nangyare, we had to move.

Pero, kailangan kong tiisin 'to, kaysa naman maulit muli ang nangyari noon, and I won't let that happen again. Si Tita Cleo na 'yung last parental figure namin. I'm only sixteen, hindi pa ako legal. I'm not even old enough to drive a car pero, malalaman ba nila? The point is, I'm not old enough.

Pumasok na kami sa gate ng school at ipinarada ko na ito sa bakanteng pwesto at bumaba na.

"I trust that you'll be okay on your own." Sabi ko kay Adrian, tanging sagot lang ang sagot niya. Kumaway na siya paalis at ako naman ay naiwan mag-isa, yakap yakap ang strap ng bag ko sa aking dibdib. Am I really ready?

Isinantabi ko na ang kaba ko at lumakad na. Sa pagkakaalam ko ay room 129 ako. Nang makita ko iyong room, nagdadalawang isip pa ako noong pinihit ko ang door knob.

'Yung mga tao na nakapuwesto na sa kani-kanilang upuan ay napatingin sa akin. For a moment there, naisip ko n asana ay nilamon na ako ng lupa pero, I am not here for that. I wanted to start a new life, to rid myself of any remnants of the past. I want to forget, I want to let my wounds heal, but know this–the scars are the reminder of what you've gone through. You are a survivor.

Bumalik ako sa ulirat nang may nakabunggo sa akin na babae. "Sorry." Sabi niya at tumungo na sa likod at umupo na. Ganoon din ang ginawa ko. Nang umupo ako sa tabi niya ay nginitian ko siya.

"Hi! Ako nga pala si Kiera." Formal, yes. I want a friend, ayoko mag-isa dito.

"Stella," nginitian niya ako pabalik.

And I think I just made a new friend.

Lunch break na naming. Alas dose ng tanghali. Napagdesisyunan naming ni Stella na lumabas ng room upang makapaglibot sa buong campus.

"Any hobbies?" starting out with the basics.

"I like to travel and I love to take photographs." Tugon niya. "You? What do you like to do?"

"Painting." I answered. "Dahil dito, mas nailalabas ko ang nararamdaman ko unlike sa words, limited lang. When I'm in pain, I paint. When I'm happy, I paint."

Napatingin ako sa isang banda, may mga taong nagsisikumpulan na, iyong iba ay sumisigaw. Tinignan ko si Stella, "Tara." Tanging tango na lang ang sagot niya at tumungo na kami doon.

Nakita ko ang isang lalake na nagdudugo ang kanyang leeg. Agad kong kinuha ang panyo mula sa bulsa ko at agad lumapit sa lalake. "Kiera!" sigaw ni Stella ngunit hindi ko siya pinansin. I'll deal with her later, all I need to do is keep him safe.

Bleeding HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon