Chapter 2 - The Full Moon

51 5 5
                                    

KIERA

Buong klase ay tulala ako. Hindi ko alam kung saan ako mamamangha, sa walang nakakaalala sa nangyari kahapon bukod sa party o sa mga vampire? Parang napakaimposible naman non pero hindi ko naman sinasabi na hindi na agad ako naniniwala, pero ang absurd talaga eh.

"Kiera!" sigaw ni Stella.

"Bakit?"

"Tulala ka na naman. What's the matter?" dapat ko bang sabihin? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko na agad siya sa mga nalaman ko pero wala rin naman akong ibang pagsasabihan bukod sa kanya at nandoon din naman siya kagabi, malamang sa malamang ay alam niya 'yung nangyari 'di tulad ng iba.

"'Yung sa kagabi, hindi pa rin ako makapaniwala. 'Yung katawan ng lalake, bakit ganun? Kagabi lang ako nakakita nun. Wala naman nagsabi kung ano 'yun." Naffrustrate na talaga ako. Gusto kong tawanan ang sarili ko, nagmumukha akong tanga sa kakahanap ng rason, na kinokonsidera ko ang existence ng mga vampire. "Sa tingin mo ba totoo 'yung mga ano..." nahihiya akong banggitin sa kanya.

"Alin?" tinabihan niya ako.

"'Yung mga vampires..." bulong ko. Pakiramdam ko namula 'yung pisngi ko. Halatang nagulat si Stella sa tinanong ko.

Babawiin ko na sana nang, "Oo," napatingin ako sa mga mata niya, tinitignan ko ito kung may halong biro 'yung sagot niya, ngunit wala. "I mean, pwede. Depende. I'm not really sure. Pero I acknowledge the fact na it could be real but I need to see it for myself. To see is to believe."

Nagbell na. Tumayo na kami ni Stella at lumabas na ng room.

Pati sa pagkain ay napapaisip ako. Sobrang nauubos ang oras ko kakaisip doon sa article na nabasa ko. Vampire kaya 'yung lalake kagabi? Desiccated 'yung katawan niya marahil sa lapis? Gawa sa kahoy 'yung lapis... paano kung totoo nga?

"Pwede ba akong makiupo dito?" buhat buhat ni Bridget ang kanyang tray na puno ng pagkain. Nakakapanibago pa rin. Mula sa mga naririnig ko kahapon, sikat na sikat 'yan si Bridget, syempre may mga kaibigan 'yan na sikat din considering matagal na siya dito sa eskwelahang ito. Isa sa mga donor 'yung magulang ni Bridget sa school na ito.

Pero bakit sa amin siya makikiupo? Kitang-kita ko 'yung mga babae na nasa isang table, ang sama ng tingin sa akin, sa amin. Siguro, sila 'yung mga kaibigan ni Bridget. Gusto ko malaman kung ano 'yung kailangan niya sa amin, bakit siya sa amin tumatabi? By the looks of it, ngayon lang nila siguro nakita na umupo sa ibang table si Bridget dahil sa panay pangalan niya ang naririnig ko. Nagcchismisan sila.

"Yes, you may." Nginitian ko siya. Si Stella naman ay sinipa ako sa ilalim ng lamesa. Sinamaan niya ako ng tingin. Tanging kibit balikat ang naging tugon ko.

"Thank you." Ipinatong niya na ang hawak niya sa lamesa at umupo na. "Gusto niyo?" alok niya.

Kumuha agad si Stella sa pagkain ni Bridget. "Huy ano ka ba!" sinamaan ko naman ng tingin si Stella.

Tumawa lang si Bridget. "No, it's okay." hinarap niya ako. "By the way, I never got a chance to ask your names. I'm Bridget."

"Kiera. And we already know. Kanina ka pa nila pinag-uusapan." tumingin sa likod si Bridget.

"Hayaan mo na sila. Wala lang silang mapag-usapan." sumubo na si Bridget ng kanyang pagkain.

"So, maayos ka na ba after what happened?" gusto ko lang itanong sa kanya dahil sa concerned ako. Ayoko matulad siya sa akin na sinolo ko 'yung sakit, wala akong mapagkwentuhan dahil hindi ko rin gaano alam kung anong nangyari. Hindi ko rin masabi kay Tita Cleo kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Na iniwan kami ni Mama at Papa, sinabi nila na magtago kami? Pagkatapos non ay wala na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bleeding HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon