10.2: Ezra's Savior

2.1K 48 1
                                    

Ezra Santibañez's POV

Pagkatapos namin kumain nila Pearl, Patrick, Carlo, Randolph at Louie ay nagkayayaan na kaming bumalik ng classroom.

Naglakad lang kami ng sabay ni Patrick pero hindi kami nag-uusap. Wala pa naman kaming pag-uusapan at ayaw ko munang ikwento sa kanya ang kwento sa akin ni Mommy.

Natulala na lang ako nang bigla akong nabasa. Tinakpan ko lang ang aking mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nabigla na lang ulit ako nang niyakap ako ni Patrick at hinila papasok ng building.

Naririnig kong nag-uusap ang mga tao sa paligid namin. Basta't naglakad na lang kami habang nakayakap si Patrick sa akin. At iniupo niya ako sa may gilid habang nakayap pa rin sa akin.

"Carlo, kunin mo ang bag ko." sigaw ni Patrick. "bilis!"

Mayamaya ay narinig ko naman si Carlo, "ito oh."

Umalis sa pagkakayakap si Patrick at pinatungan ako ng jacket.

"Pearl, samahan mo si Ezra na magpalit."

"Pero wala akong pangpalit." mahina kong sinabi kay Patrick.

May inabot si Patrick kay Pearl at niyaya na ako ni Pearl pumunta ng CR.

Pumasok ako sa isang cubicle at hinubad ang basa kong uniform, medyas at sapatos.

Isinampay ni Pearl sa pintuan ng cubicle ang shirt at jogging pants na ibinigay ni Patrick.

"Bessie, okay ka lang?" tanong ni Pearl.

Hindi ako sumagot, alam na naman niya ang kalagayan ko.

Basa pati ang sando ko. kaya hinubad ko na rin ito. Sinuot ko na ang tshirt at jogging pants kahit medyo malaki ito sa akin at sinuot na rin ang jacket ni Patrick dahil wala akong sando sa loob ng shirt.

Pagkalabas ko ng cubicle ay agad akong yumakap at umiyak kay Pearl.

"Bessie, tahan ka na. Baka ako naman ang mabasa dahil sa luha mo." pabirong sinabi ni Pearl.

Bumitaw na ako sa pagkakayapkap at kinuha ang basa kong uniform. Tinulungan ako ni Pearl pigain ang mga ito.

"Kapag nalaman ko kung sino ang may gawa nito sa iyo, susunugin ko ang kaluluwa nila sa impyerno." galit na sinabi ni Pearl habang pinipiga ang palda ko.

"Hayaan mo na sila."

"Anong hayaan? Ipinahiya ka nila Ezra! Maraming nakakita sa nangyari. Kung mahuhuli ko talaga kung sino iyon lagot talaga sila sa akin."

Napangiti ako sa mga sinabi ni Ezra. Pero natanggal din agad ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari kanina.

*tok* *tok* *tok*

"Hindi pa ba kayo tapos?" narinig namin ni Pearl ang boses ni Carlo. "Magtitime na, baka malate kayo."

"Oo na, ito na." sigaw ni Pearl.

Ipinasok ko na lang muna ang mga basa kong uniform sa plastic na pinaglagyan ng jogging pants at shirt ni Patrick. Bitbit ko naman ang sapatos ko. Nakayapak lang ako. Ayaw ko kasing magsuot ng basang sapatos.

Pagkalabas namin ng pinto, nakita kong nagpalit ng white tshirt si Patrick. Nabasa yata siya nung niyakap niya ako.

Sabay sabay na kaming pumasok nina Carlo, Patrick at Pearl sa classroom. Naririnig naming nagbubulungan ang iba naming mga kaklase. Alam ko naman na ako ang pinag-uusapan nila ngayon dahil sa nangyari kanina.

1 pm *rrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnggggggggggggggg*

Pumasok na ng room si Sir Paul. Napansin niyang hindi kami nakauniform ni Patrick kaya tinawag niya ang atensyon namin. Tumayo ako pero pinaupo ako ulit ni Patrick na nasa tabi ko na pala. Lumapit siya kay Sir Paul na tila pinaliwanag niya ang nangyari kanina. Mayamaya lang ay bumalik na sa upuan si Patrick.

Halos parehong scene ang nangyari sa huli naming klase. Buti na lang si Patrick na ang kumausap sa teachers. Baka kasi bigla lang ako magbreakdown at umiyak.

Hindi ako nakinig sa dalawa naming afternoon classes. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari noong lunch. Pagkatapos ng klase ay sinubukan kong kapain ang sapatos ko. Pero basa pa rin ito. Paano ako maglalakad papuntang parking lot mamaya?

"Ezra, mauuna na ako, may gagawin pa ako sa Drama Club. Patrick, ikaw na muna ang bahala kay Ezra." nagpaalam na si Pearl sa amin.

"Ano bro, kailangan mo pa tulong?" tanong ni Carlo kay Patrick.

"Ah, salamat na lang." sagot ni Patrick sa kanya.

Kumuha si Patrick ng upuan at umupo sa harapan ko.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam pero napaluha na lang ako bigla.

"Sorry, hindi kita naprotektahan kanina."

"Wala kang kasalanan."

"Pero..."

"Salamat nga pala dito sa pinahiram mo. Pero bakit may dala kang pampalit?"

"Alam ko kasing mangyayari ito."

Nagulat ako nang sinabi iyon ni Patrick sa akin. Agad na ipinaliwanag ni Patrick kung papaano niya nalaman at pinaghandaan ang masamang plano laban sa akin. Napaiyak na lang ako lalo nang marinig ko ang paliwanag niya. Napaiyak ako dahil una, may galit sa akin, at ikalawa ay dahil may prumoprotekta sa akin.

Halos kalahating oras din kaming walang imikan sa classroom hanggang sa nagyaya nang umuwi si Patrick.

"Tara, sumakay ka na sa likod ko."

"Ha? Bakit?"

"Huwag ka na magtanong at huwag nang matigas ang ulo. Basa pa yang sapatos mo. Kaya naman kita eh kahit mabigat ka."

Pinalo ko nang malakas sa braso si Patrick nang sabihin niya iyon sa akin, "mabigat pala ha, bahala ka nga diyan! Maglalakad akong nakayapak!"

"Ui! Joke lang! Pinapatawa lang kita. Kanina ka pa umiiyak eh."

Tumigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Patrick ang isa kong kamay upang pigilan ako.

"Hindi ako papayag na maglakad kang nakapaa lalo na at hindi nakatiles ang labas ng building na ito."

Dahil kakaunti na lang ang tao sa school ay pumayag na rin ako sa gusto ni Patrick. Sinabit ko sa katawan ko ang body bag ko. Sinuot naman ni Patrick sa harap niya ang backpack niya. Pagkatapos ay sumakay na ako sa likod ni Patrick.

Hawak niya sa magkabilang kamay niya ang plastik na may basa kong uniform at ang basa kong sapatos.

"Ready ka na?"

Nagsimula na siyang maglakad. Medyo mabilis ang paglalakad niya. Siguro nga ay nabibigatan siya sa akin at gusto na niyang makarating ng parking lot. Habang naglalakad siya ay pinakiramdaman ko ang likod niya. Hindi ito ganoon kalapad, pero sapat na iyon para mapangiti ako.

Pasan ako ni Patrick hanggang sa makarating kami sa kotse nila.

"Ihahatid na kita sa inyo. Hindi mo pa natetext driver niyo hindi ba?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at sumakay na sa kotse.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong kalahating oras ng byahe.

A/n:

Nakasakay na ba kayo sa likod ng isang lalaki? Ang saya noh? Haha

Please vote and comment po. Thanks a lot!!

Lab lab,

GALALI

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon