16.2: Back to Reality

2.1K 37 1
                                    

Ezra Santibañez's POV

Dahil one week na lang at exams na, bawal ang club activities muna. Nasa rules kasi iyon ng school.

Kaya pagkatapos ng klase ay hindi ako pupunta ng music room hibdi tulad ng nakasanayan.

"Bessie, uuwi ka na?" Tanong ni Pearl.

"Ah oo, mag-aaral ako eh."

"Ah okay. Pupunta ako library para sa paper sa English tapos hindi ko pa tapos yung project sa Science. Ikaw ba?"

"Tinapos ko kahapon."

"Kahapon? Kung sabagay ayaw mo nga pala ng cramming."

"Sige, sasamahan kita sa library. Tapusin mo na ang paper mo. Kapag hindi mo natapos today ililibre mo ako ng lunch na may dessert bukas."

"OA!"

"Para sa iyo din yan."

"Sige na nga."

Nagpunta kami ni Pearl sa East library. Wala daw kasi sa West library ang hinahanap niyang libro.

Medyo marami ang tao ngayon sa library dahil malapit na ang exams.

Pumwesto kami ni Pearl sa bakanteng table at umalis siya para hanapin ang librong hinahanap niya.

Nagsimula na akong magbasa ng notes ko.

May umupo sa tabi ko, hindi ko pinansin. Alam ko namang si Pearl yun.

"Suplada ng masipag ah." kilala ko ang boses na ito.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Mag-aaral."

"Mag-aaral? O manggugulo?"

Naglabas ng notebook si kuya Marco at may sinulat siya dito. Pinunit niya at ibinigay sa akin.

"Ano 'to?"

"Basahin mo."

Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagiging akin.

Pinunit ko ang papel ng maliliit. Inipon ko ito at inilagay sa bulsa ng uniform ni kuya Marco.

"Akala ko ba crush mo ako?" kapal din ng mukha nito.

"Oo crush kita, pero hanggang doon lang iyon." sinubukan kong magbasa ulit.

Kinuha niya ang notebook ko. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang mukha niya.

Tinilulak ko siya. Napaurong ang upuan na inuupuan niya.

*ding* *ding* *ding*

Narinig yata kami ng librarian.

Umayos ng upo si kuya Marco at inilapit niya muli ang mukha niya.

Hindi na ako nag-isip pa at sinampal ko siya ng malakas.

Nagtinginan ang ibang mga estudyante sa amin.

Naririnig kong nagbubulungan sila.

*ding* *ding* *ding*

Tumahimik muli ang paligid nang iring ulit ng librarian ang kanyang desk bell.

Tumayo si kuya Marco at umalis na.

Nagbasa na lang ako ulit na tila walang nangyari.

Dumating si Pearl mayamaya na walang kaalam alam kung ano ang nangyari kanina.

Hanggang 5:30 ang library. Hindi natapos ni Pearl ang paper niya

"Hay, as expected talo ako."

"Okay lang iyon, mabubusog mo naman ako bukas." pang-aasar ko kay Pearl.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon