Chapter IV

48 1 0
                                    

Chapter IV

Ang nakakabaliw na araw

Hi guyz nag sisimula nanaman ako sa boring kong storya.XD Kung nag babasa ka ngayon nitong story ko aba binabati kita dahil narating mo ang chapter IV. Salamat po sa mga nagbabasa nito ngayon. ^^

Zyrine POV

Sabay kami ni Karen pumasok  kahit na mag kaiba kami ng pinapasukang school. Kaso pansin ko tuesday na tuesday ngayon walang energy si Karen. Matanong nga kung anong nagyari kahapon.

"Karen bat ganyan itsura mo para kang pinag bagsakan ng langit at lupa. So happy ka ba dahil narating muna yung bahay ni Jerhun?"

"This is gonna be the worst!!! Nakaka baliw yung pamilya nila!!".

Sinasabi ko na nga ba eh. Ganyang ganyan yung sinabi namin pag katapos namin gumawa ng project sa bahay mismo nina Jerhun. For God's sake ayaw ko na bumalik dun no.

"U-umm Karen?"

Oh eto pala si Jerhun eh. Nakasalubong naming nag lalakad. Mukhang mapapasubok ulit si Karen ah.

"J-Jerhun?!!" Halu parang nanigas na si Karen.

"Pwede ba... umm..mamaya punta ka daw sabi ng kapatid ko para turuan siya mag sayaw ulit. Dang galing mo daw kasi mag turo eh.." hindi ko malaman kung oo-o ba si Karen o ano. Naku bahala na nga sila diyan! None of my bussiness ko na yan!

Nauna akong pumasok sa school dahil iniwan kong nag uusap sa labas yung dalawa. Pag pasok na pag pasok ko ng classroom si Hannah na kaagad ang nakaabang sa akin. Mukhang excited na excited siya ah. Ano kayang ginawa nito kahapon at absent tong taong to.

"Morning Zyrine!" aba ngiting ngiti ang loka.

"Oh anong dahilan nanaman yang ginawa mo kahapon at naka absent ka?" naks may pa pout pout pang nalalaman ang lokaret.

"Wala ka bang idea kung anong meron ngayon? Hellooo as in wala?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

Huh? Bakit anong meron ngayon? Napaisip ako ng matagal.. At sa wakas na gets ko na yung sinabi niya.

"Ayyyy oo nga pala no!"  napa bugtong hininga siya nung sinabi ko yun.

"So ano alam mo na?"

"Oo! May report tayo ngayon sa English! Tas may assignment pa na pinagawa sa atin last week na ipapasa ngayon! Now I know!" bigla siyang nag labas na inis na expression at sabay binatukan niya ako ng malakas.

"AArrayy ko po nanay koo!!" napa upo ako sa sobrang sakit para bang binato ako ng isang malaking bato.

"Sira! Hindi mo ba naalala na birthday ng kaisa isa mong 'Darling'?" 

"EEehh?!! Ano na ba ngayon?! July 1?! Hala ka di ko na nalala!" nataranta ako sa pag hahanap ng calendar sa cellphone ko. At ayun birthday nga ni Rhenzie. Hala di ko napag handaan. Wala akong regalo. TT^TT 

Na cut yung drama ko kasi biglang dumating yung teacher. Hay naman bat ba kasi math ang unang subject. At as usual ang iba kong kaklase pasimpleng natutulog yung iba nag kwe kwetuhan. At sa wakas na tapos din yung klase namin. Natapos nga isang damakmak na assignment naman ang gagawin namin. Mas inantok ako sa next subject namin. Tada! History! Yea alam na!

Habang may pinasasagutan si Sir Allan may sitsit akong narinig mula sa tabi ko. Malapit kasi ako sa salamin sa may hallway. 

"Pst!

Huh may sumitsit ba? Hay wag na nga lang pansinin di ako makapag concentrate eh. 

"pst!"

Sige isa pa sino ba kasi to. Pag tingin ko sa salamin... The F? Nakita ko si Reyven na nakadungaw ng konte sa salamin sa tabi ko. Mukha siyang may sinisilipan. Sinasabi niya sa akin na lumabas daw ako at may sasabihin siya. Hindi ko yun pinansin kaya lalong namula sa inis si Reyven. May sinulat siya sa salamin at ang nakalagay.....

Your And My Secret (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon