Chapter VIII

18 2 0
                                    

Chapter VIII

Fiancee

"I'm back, Reyven"

Siya si Rianne? Umuwi na siya? Parang ang bilis naman ata. Teka, alam ba niya yung nangyari kay Rhenzie? Kung alam niya bakit siya nandito? 

"Kelan ka pa bumalik?" Bumaba ng stage si Reyven para lapitan si Rianne. Lahat naman ng tao nag tataka kung sino yung dumating at kung bakit nahinto yung pag kanta ni Reyven.

"Kanina lang. Nasaan nga pala si Rhenzie?"

"Ahhh... Si Rhenzie ba? Nasa bahay nila ngayon."

"Why he's not here at school event?" Kumabog ng malakas yung dibdib ko ng mag tanong siya tungkol kay Rhenzie.

"Umm..  It's because he has a..."

"Has a?" Sasabihin ba ni Reyven?

"May bali ako sa kanang braso." Rhenzie?! B-bakit siya nandito?! Akala ko ba nag papagaling siya sa bahay ngayon? Pano na to?!

"My god! What happened to you?!" Lumapit si Rianne kay Rhenzie at hinawakan yung kanang braso nito.

"Nalaglag ako sa stage habang nag aayos." Huh? Bakit hindi niya sinabi yung totoo?

"What? Be careful next time, okey?" Nag bigay siya ng are-you-sure-nalaglag-ka-lang look. Hindi maipinta yung mukha ni Rhenzie nung mga oras na yun. Para bang hindi siya natutuwa na dumating si Rianne.

"Yow, cousin!" Eh?!! Pati si Alex nandito? Kala ko ba nasa Host Club to ngayon.

"Woah woah woah! What happened?" Isa pang tanong mag rerecord na ako para hindi na kailangan sabihin!

"Nalaglag ako sa stage habang nag aayos." Ouch! Para bang pinapana ako sa mga sinasabi nila!

"Oohh.. Bakit may kumag bang tumulak sayo?" Kumag? ANONG SABI MO?! Halos lumabas na lahat ng masamng aura meron ako dahil sa sinabi niya.

"Hahaha.. Wala..Talaga ka." Napatingin si Rhenzie sa akin kaya naman nag meet yung mata namin.

"Kasalan ko naman kasi yun eh." Nag bigay siya ng weak smile sa akin. Kaya ayun! Nakunsensiya na ako lalo!! Sinisisi na ba niya ako? Q.Q

"Umm.. Reyven, alis muna ako ah."

"Wait. Hindi mo manlang ba siya ipapakilala sa akin Reyven?" Okey na eh! Kung hindi lang sumingit tong isang to.

"Ah oo nga pala. Her name is Zyrine, Zyrine Aguillera. (Sabay akbay) My Girlfriend." Tama! Eh? GIRLFRIEND BA KAMO?!!! Halatang nagulat ang expression nilang lahat sa narinig nila. Ano daw? Pakiulit?

"What?"

"Tama ka ng rinig Rhenzie. Girlfriend ko na si Zyrine." ANO?!! TALAGANG INULIT AH!! Mag wawala na ako pigilan niyo na ako!!! Halos matuyo lahat ng pawis ko dahil feeling ko naging yelo na ako dahil sa sinabi ng kumag na to!

"Kelan pa? Aba buti naman! Kala ko talaga bakla tong bestfriend mo Rhenzie!" Nag tagpo ang mata namin  ni Rhenzie. Sabi ko na nga ba mag bibigay reksyon siya ng are-you-serious-kayo-na look.

"Sinaggot niya na ako kanina lang." Woah! talaga lang ha, kwento mo sa pagong!

"Congratulations! Kala ko nga din bakla ka eh. Hohoho." 

"Anong sabi niyo?!"

"Well well. Ni minsan kasi hindi ka nag kacrush. Tas lagi mo akong kinakalaro nung bata tayo kesa sa mga kalaro mong lalaki."-Rianne

"Tas pag nag kukwento pa ako ng nakakatakot naiyak ka tas yayakap kay Rhenzie."-Alex

Nalintikan na! Sumama ang timpla ng aura dito ah. Teka nakailang lunok na ba ako. 1..2...3..4..5..6 Ahh!! Bakit ba ako nag bibilang! Dapat masabi sa kanila na hindi totoo yun. Haha nag bibiro lang yan! Napaka bait (sama) talaga ng isang to. Ang sarap halikan (suntukin) sa mukha. Tuwang-tuwa (inis na inis) na nga ako eh.

Your And My Secret (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon