#Drayber

5 0 0
                                    

Isang araw may isang tricycle ang nagbabyahe sa carmen ng bigla itong tumigil sa madilim na lugar dahil itoy nasiraan. Walang choice ang drayber kundi ayusin kahit siyay natatakot dahil madilim at tanging ilaw lang ng kanyang tricycle ang nagsisilbing liwanag nito.. Maya-maya'y may lumapit sa kanyang matandang babae na naka black at mahaba ang buhok.. "Iho bilhin mo itong librong ito, 1000 pesos lang naman.."
Sabi ng matanda..
Binili agad ito ng drayber dahil na rin sa takot na baka may gawin sa kanya ang matanda pag hindi niya ito binili..
"Tandaan mo iho, huwag na wag mong titingnan ang likod ng libro kundi magsisisi kang binili mo pa yan" pahabol ng matanda at agad na umalis..
Pagkauwi ng drayber.. Hindi siya mapakali, gusto niyang tingnan ang nasa likod ng libro ngunit natatakot siya na baka may mangyaring masama... Ngunit hindi nya rin natiis at tiningnan nya ang likod ng libro.. Sobrang nanlaki ang kanyang mata ng makita ang
" National Bookstore P75.00 "

Hugot and Jokes 😊Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon