Prologue

18 1 0
                                    




Prologue




Stephanie's POV




Kasalukuyan kong hinihintay ang kapatid kong si Flosverica kaya lang ay lumipas na ang 15 mins.ay wala pa rin sya. Nasaan na kaya yun? Puntahan ko na nga lang sa boutique na pinuntahan nya. Pero pwede ko rin naman syang tawagan pero pagkapa ko sa bulsa ng pantalon ko ay wala roon ang cellphone ko. Ngayon ko lang naalala na iniwan ko nga pala ang cellphone ko sa loob ng kotse dahil ayokong may gumulo sa bonding naming magkapatid. Ang malas pa ay na kay Flosverica pa ang susi ng kotse na ginamit namin. Ano ba namang kamalasan ito!




Nagmartsa na lang ako papunta sa boutique na pinuntahan ni Flosverica kaya lang ay bigla na lang may tumakip sa bibig at ilong ko. Nagpumiglas pa ako kaya lang ay unti-unti nang nanghina ang katawan ko at kasabay noon ay ang pagbigat ng talukap ng aking nga mata.



Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nang tuluyan ko ng naimulat ang nga mata ko ay nauna kong napansin na nasa ibang lugar ako. Iginala ko ang paningin ko sa loob at talagang hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang taong hindi ko inaasahang makita.





Love Ransom (SBS #1)Where stories live. Discover now