Chapter 2: Hope

10 1 0
                                    


Chapter 2: Hope


Stephanie


Narinig ko ang busina ng sasakyan ni Justin kaya napatakbo ako palabas kahit hindi pa ako nakakain. Ngiting-ngiti akong lumapit sa kaya at sinalubong nya naman ako ng yakap.


Nang hunarap sya sa akin ay nginitian nya ako saka iginaya papasok sa kotse nya. Sinuot ko ang seatbelt ko habang sya ay umikot para makapunta sa driver's seat.


"Saan ba tayo pupunta?" masayang tanong ko. Lumingon muna sya sa akin bago isinuot ang seatbelt nya. "Sa mall," sagot nya at isinara ang pinto.


"Bakit sa mall... I mean, anong gagawin natin sa mall?"


"Basta," simple nyang sagot. Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan.


"Hey," tawag nya. Tumingin naman ako sa kaya dahil sa tawag nya.


"Why?"


"Are you mad at me?" tanong nya sabay sulyap sa akin.


"I'm not. Why did you asked?"


"Tumahimk ka kasing bigla," sagot nya.


Tumingin ako sa labas ng bintana sabay hilig doon. "Ahh. Wala iyon," sagot ko sabay tikom ng bibig. Baka may masabi pa akong pwedeng ikagalit nya. Sumulyap ako sa kanya at nakitang umiigting ang panga nya kaya't umiwas na lang ako ng tingin.


Ilan pang minuto ang lumipas ng makarating kami sa mall. Nauna syang bumaba at pinagbuksan nya naman ako ng pinto. I thanked him at sabay kaming pumasok.


Hindi na ako nagtanong ng kung ano ang gagawin namin dito at sa halip ay sumunod na lang ako sa kanya. Namalayan ko na lang na na sa isang art gallery kami at nakitang may mga taong nagpipaint doon. I can't remember the last time I paint. Pinagbawalan kasi ako nina dad noon na magpaint at sa halip ay magfocus na lang ako sa business. Nangilid ang luha ko dahil dinala ako rito ni Justin. Nabanggit ko rin sa kanya na marunong akong mag-paint. Nang bumaling ako sa kanya ay niyakap ko sya ng mahigpit and I muttered 'thank you.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Ransom (SBS #1)Where stories live. Discover now