Jane's POV
Karl: Hi Janeeee babssss koooo ^__^
Me: What now?
Karl: Ayy wala ka yata sa mood babs, sige mamaya na lang.
Me: Psh. Ano nga?
Karl: Hehe... :)
Karl: May i'pa-pavote lang sana ako :D
Search mo kay Google yung Best New Female Girl Group tapos hanapin mo yung Blackpink tapos i'click mo yung vote... :DKarl: (Karl is typing...)
Napa facepalm ako. Iba talaga 'tong isang toh. Bakit ko ito naging boyfriend? Oo mahal ko siya pero, ugh! Nakakainis lang eh! Hindi sa hater ako ng Korean-korean na yan oh KPop ba yan, hindi ko lang talaga sila bet. Pero itong boyfriend kong mokong, palagi na lang akong inuutusang mag vote, mag stream daw ng music videos nila, i'follow ko daw sa insta, twitter, at iba pa. Nakakairita lang diba? -__-
Karl: Please babsss. Jeballlll T_T
Me: JEBAL MO MUKHA MO. BAKLA KA BA? PATAY NA PATAY KA DIYAN SA MGA KOREANONG YAN AH?
Karl: Mashaket babs. Huy hindi ako bakla no! Kita mong Girl group pinapasearch ko sayo eh. Pasalamat ka hindi yun boy group. Hmp. Nagseselos ka lang ehhhh yieeeee
Me: Aba, ako magseselos? Mukha mo. PUNTAHAN MO NA YAN SILA GO. GO TO KOREA WAG KA NANG BUMALIK HA? Okay? Tapos na?
Karl: Ah, sige babs. Magpapabook muna ako ng ticket ha wait lang.
Karl: Dejk lang , hindi kita kayang iwan syempre. Naka-vote ka na ba? :D para tapos na hehe
Ay wala toh. Napahilamos na lamang ako sa mukha ko. Whooooo mahal mo to Jane, mahal mo. Kalma lang.
Me: Shut up. What's up for me?
Karl: ...
Karl: ...
Karl: ...
Me: Aba hoy! Tigilan mo ko sa pang se-seen mong yan! Ge log out na ako HINDI NA AKO MAGVO-VOTE BAHALA KA SA BUHAY MO
Karl: Hala huy babs wag naman ganyan. Sabi mo kasi shut up eh. :( Sige na hindi na po akong mangse-seen sa habang buhay ko, mag vote na po kayo babs hehe :D
Karl: Ah, yung tanong mong what's up for you? Surprise na lang yun babs ^__^ i love you <3 sige na babs sasamahan ko muna si mama mag grocery, wag mong kalimutang mag snack tapos mag dinner ha? Tapos wag mo rin kalimutang mag vote. Gomawo!! I love you ulit! Bye :*
(Active 30 seconds ago)
Iba talag siya eh no? *sigh*
Wala akong nagawa kundi mag search kay Google at nag vote sa Blackpink na yun. Tsh, Oo magaganda sila, pero, ugh bakit ba nabaliw yong lalakeng yon sa mga ito? *sigh ulit*
=====
"Babs kooooo!!!"
Napalingon ako sa lalakeng tumtakbo papalapit sa pwesto namin. Walang natitirang hiya sa lalakeng toh eh no.
Hinahangos siyang umupo sa tabi ko. Inabutan ko lang siya ng bottled water. Nasa bench kami sa field ngayon.
"Hoy Blink na lalake, kamusta ang Votes?" Tanong ni Riza na patay na patay din diyan sa Blackpink na yan.