"Congratulations Entice!" bati sa'kin ni Claudette matapos ang graduation program.
Sunod-sunod namang bumati ang iba pang pinsan ni Knoxx sa akin.
"Thank you.." ngumiti ako sa kanilang lahat sabay tingin ko sa likod nila.
Namataan ko ang papalapit na si Knoxx sa'kin kasama sina Mommy at Daddy na ngiting ngiti sa akin.
"Entice!" ani Mommy sabay yakap sa'kin. "Congratulations, anak. I'm so proud of you!"
"Thank you, Mommy."
Lumapit si Daddy sa akin at binati rin ako. Muli akong ngumiti at tumingin sa nakatitig na si Knoxx na dahan-dahang pinunan ang espasyong namamagitan saming dalawa sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"Congratulations, En.." malambing niyang wika sabay patak ng isang malambot na halik sa aking noo.
Narining kong sumipol si Damon at nagtawanan sila ni Rafael. Inasar naman siya nila Erin. Lumapit si Azi at inakbayan si Knoxx.
"I never imagined you being so cheesy, Kuya." Humagalpak si Azi sabay layo sa kay Knoxx na masamang nakatitig sa kanya.
Uminit ang pisngi ko. Binalingan ko sina Mommy at Daddy na nangingiti. Gosh! Nakakahiya.
Napayuko ako at ngumuso para mapigilan ang pagngiti.
I'm still not over with Knoxx's stunt when I felt his arm around my waist. Bumaling ako sa kanya at nakitang parang wala lang iyon kahit na nasa harap kami ng parents ko pati mga pinsan niya.
Naging matagal ang pananatili ko dito sa Cagayan De Oro dahil sa dito ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. Ang usapan namin ni Knoxx ay isang buwan lamang kami dito nang umalis kami sa Alegria dahil ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko pero noong tumawag si Mommy sa'kin para tanungin kung kelan ang uwi ko ay si Knoxx ang kumausap sa kanya. Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa kay Mommy dahilan kung bakit sinabing dito ko na raw ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Bibisita na lang daw sila ni daddy pa minsan minsan.
Kinukulit ko si Knoxx tungkol sa pinag-usapan nila pero ang nagiging sagot niya lang ay,
"I just wanna be with you and with my family at the same time, En."
Alam kong hindi niya madalas nakakasama ang pamilya niya dahil sa paninirahan niya sa Alegria kaya hinayaan ko na lang. At sa tagal ng pamamalagi ko dito sa Cagayan De Oro kasama ang mga pinsan niya ay nasanay na ako sa kakulitan nila.
Though I like their bond. They're really close to each other and I love to be with them too.
Sabay-sabay kaming umalis sa Xavier University at dumiretso sa isang restaurant na pinareserve nila Mommy para sa reception.
Tatlong sasakyan ang nagamit ng mga pinsan ni Knoxx, isa sa amin at kay Knoxx. Akala ko ay sa sasakyan niya ako sasakay pero nung sinabi niyang kila Mommy ako sumabay ay hindi na ako umangal at tumango na lang dahil namiss ko rin naman sila.
Kagabi sila dumating galing Alegria para dumalo sa graduation ko.
Lola wants to come also pero hindi siya pinayagan ni Dad dahil sa kondisyon niya. I called her before we went to my graduation and I promised her to be back as soon as possible.
Sobrang miss ko na siya pati si Chesca, Hector at Baby Macy. And Alegria, of course.
BINABASA MO ANG
Marrying a Montefalco (Whipped by Jonaxx Fanfiction)
FanfictionThis is fanfiction of the story Whipped by Jonaxx.