Tumigil ang aming sasakyan sa harap ng isang kilalang restaurant dito sa Cagayan De Oro. Napansin ko rin ang pagdating ng iba pang pamilyar na sasakyan.
Paglabas ko ay narinig ko rin ang kalabog ng pinto ng sasakyan sa likod namin.
Isa-isang nagsilabasan ang pinsan ni Knoxx. Napalingon ako sa pamilyar na babae na lumabas ng sasakyan na kasabay na nagpark sa'min.
Her face made me a confirmation that she's Knoxx's Mother. Lalo na nang lumapit si Claudette at humalik sa pisngi ni Tita Claudine.
I already met their parents and other relatives the same day we arrived here in Cagayabn De Oro. But until now, I'm still intimidated by way Tita Claudine looks at me. She's on her mid 40's but her beauty never fades. She looks like Claudette and I know where Knoxx got his nose and lips.
Lumapit ako sa kay Tita Claudine at bumeso.
"Congratulations, Entice.." she genuinely smiled at me.
Sinuklian ko iyon ng isang matamis na ngiti.
"Thank you po, Tita.." saad ko.
Tumabi sa kanya si Tito Az na nakangiti ding bumati sa akin. Lumapit sila Mommy at Daddy at nagbatian sila.
" Where's Knoxx?" Tito Az asked without pertaining to anyone.
Napansin ko na wala nga si Knoxx. Luminga linga ako sa paligid para tingnan kung nandito yung sasakyan niya pero wala.
I looked at Azi but he just shrugged. Hindi na rin ako nag abalang magtanong sa ibang mga pinsan niya dahil sa may mga sarili na naman itong mundo ngayon.
Where the hell is that guy? Damn Entice! You should be the one answering that question of yours.
Sabay-sabay naman kaming umalis kanina sa XU kaya kampante ako na diretso ang punta naming lahat dito.
Nabaling ang atensyon ko sa iba pang taong naroon na sakay ng mga sasakyang nakaparada ngayon bukod sa amin at sa mga pinsan ni Knoxx.
All the Montefalcos were here! I thought its just Knoxx's cousins and my family.
Well hindi naman masama kung narito sila. Nabigla lang ako at parang may magaganap na importanteng bagay kaya't nagtipon-tipon sila.
Binati ko ang mga Tito at Tita ni Knoxx at sabay-sabay na kaming pumasok sa restaurant.
Isang long table ang nakahanda para sa amin. May mga nag asikaso agad na waiters sa amin. Nagsiupuan ang lahat habang nagkokomento sa ambiance ng restaurant. Sobrang romantic kasi ang atmosphere. May mga nakapalipot pang pulang rosas na kalagay sa flower stands.
This is too much for a graduation celebration. Umupo na rin ako sa katabing upuan ni Mommy.
Luminga ako sa paligid at napagtanto kong wala pa si Knoxx. Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch bag na dala ko at agad na nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Knoxx, where are you? Your relatives were all here.
Sinend ko iyon at naghintay ng kanyang reply ngunit makalipas ng ilang minuto ay walang dumating.
Kinagat ko ang labi ko sa nararamdaman inis. It's my graduation day. He should be here celebrating with me!
Lumingon sa akin si Mommy at agad akong tumuwid sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita at ngumiti.
Tipid akong ngumiti sa kanya at nilibot ang paningin sa buong mesa. Masayang nag-uusap ang lahat. Parang wala lang sa kanila na wala pa si Knoxx. Yumuko ako at kumain na lang.
Tumayo si Mommy na nakapagpaagaw ng atensyon ng lahat.
"I just want to thank you all for coming. Claudine and Azrael, thank you for your cooperation."
Tumango sila Tito Az at Tita Claudine at ngumiti kay Mommy.
"You know, Entice is our only child. That's why me and Thomas loves her so much. Her Lola wants to come here to witness this but her condition right now isn't good. Madali siyang mapagod kaya tumutol kami ni Thomas sa pagsama niya. En, your Lola badly wants to be here."
Tumango ako at bahagyang nalungkot dahil sa sinabi ni Mommy. Ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.
"I'm glad to meet you all. And I know my daughter will be in good hands." Natawa si Mommy sa kanyang sinabi.
Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi bagama't hindi nagtagal yon dahil naagaw ng pansin ko ang tunog ng violin sa gilid ng mesa namin.
Isang pamilyar na musika ang sumakop sa paligid.
"He's here." dinig kong sinabi ni Mommy kaya nabaling ang tingin ko sa entrance ng restaurant kung saan ang nakatayong makisig na lalaki ay may dalang pumpon ng bulaklak.
Napatingin ang lahat kay Knoxx. Narinig ko ang mapang-asar na salita nila Rafael at Josiah. Maging si Azi ay hindi nagpahuli sa sasabihin sa kapatid. Ang mga babaeng pinsan niya'y nakangiting nakatingin lamang sa kanya.
My heart raced fast as his bloodshot eyes were all on me.
Napatingin ako kay Mommy na tinapik ako sa balikat habang tumatango. I loooked at Dad too, and he just smiled at me then turned his eyes on Knoxx.
Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang iparating pero kusang gumalaw ang katawan ko na parang sinusunod nito ang gustong sabihin ni Mommy at Daddy.
Tumayo ako at naglakad patungo sa papalapit na si Knoxx. His expressive eyes were still all on me.
Ang inis na nararamdaman ko kanina ay bigla na lamang nawala dahil sa mga mata niyang nakatingin sa akin.
Bumaba ang tingin niya sa hawak na boquet. Napatingin din ako roon. Inilahad niya iyon sa akin. I smiled.
"Thank you.." hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman.
"Do you like it?" tanong niya. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Yes!" agaran kong sagot na nakangiti pa rin. Katulad ito ng mga rosas na nakapalibot dito sa buong restaurant.
The side of his lips arched.
BINABASA MO ANG
Marrying a Montefalco (Whipped by Jonaxx Fanfiction)
FanfictionThis is fanfiction of the story Whipped by Jonaxx.