Kabanata 3

18.5K 224 9
                                    

Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag unahan sa pagbagsak sa aking mukha nang lumuhod si Knoxx sa harap ko. Ang kaliwang tuhod niya ay naka angat. He looks so damn perfect in that position!

Hindi pa rin tumitigil ang tugtog na galing sa violin na nagsimula kaninang dumating siya. Nagsilbi iyong background music.

He planned all of these huh?

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. I saw Knoxx's family also smiling. Nakita ko si Tita Claudine na nagpupunas ng panyo sa mukha.

Tumingin ako kay Mommy at Daddy. Mom's also crying. Si Dad naman ay pinipigilan ang pagtulo ng luha. Hinahaplos niya si Mommy sa braso. He nod and smiled at me. I also smiled at him and looked at Knoxx again.

I'm still in awe when Knoxx stated words that made me cry more. Tears of joy.

"Entice Ralene Dela Merced, please marry me.." he said in a very ravishing tone.

Tumango-tango ako habang bumubuhos ang luha sa aking mukha.

Happiness is all I'm feeling right now. I love this man so damn much. And I want him to be with me forever.

"Yes, Knoxx Gideon Montefalco. I will.." I said fullheartedly.

Inalis niya ang singsing sa box at nanginginig na isinuot iyon sa akin.

Pareho kaming natawa sa doon. Tumayo siya at inilagay ang mga palad sa magkabilang pisngi ko.

"I'm just too excited for this." Ipinagdikit niya ang noo naming dalawa. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa lapit naming dalawa.

"I love you En. I can't wait to call you my wife."

Malambing niyang saad habang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa aking mukha.

His eyes were very expressive. Nakikita ko ang halu-halong emosyon rito. Bumaba ang tingin niya sa aking labi and without any word, he kissed me passionately.

Marrying a Montefalco (Whipped by Jonaxx Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon