Chapter 2

16 0 0
                                    

IKALAWA

Ang ganda ng panahon ngayon. Kinuha ko ang bike ko saka naglibot sa park. Malapit na akong grumaduate sa high school at Sa apat na taong yun wala talaga akong may natipuhang Babae.

Ganito ang buhay ko, mag-isa. Only child ako ng mga magulang ko. Ang tanging alam lang nila ay puro trabaho, Trabaho at trabaho. Minsan lang nila ako Naaalala.

Mula nung bata ako tanging si nanay Fe Lang ang nag-alaga at nagpalaki sakin. Sana nga siya nalang ang naging ina ko.

Mas gusto kong manatili dito sa park kesa sa kwarto ko. Nakikita ko ang mundo at naaaliw din ako minsan Kahit mag-isa lang akong namamasyal.

"Kuya pabili nga po ng kwek-kwek."

Nakakagutom din kaya yung ilang oras na paglilibot ko sa Park. Ikaw ba naman sa isang oras hindi ka magsalita Malamang panis na yang laway mo. Mas gusto kong kumain sa labas kesa maghintay ng Ihahain sa bahay. Nakakasuka na kasi, Gusto ko maiba naman paminsan-minsan.

Matapos kong pagmasdan ang sunset umuwi na din ako.

"Oh anak, san ka galing? - nay Fe

"Naglibot-libot lang po nay, kumain na po kayo?"

"Ano ka bang bata ka, lagi mo akong pinag-aalala".-nay

"Buti pa nga po kayo eh, nag-aalala sakin"

"Sus ikaw talaga, 16 na taon na kitang inaalagaan. Syempre mahalaga ka sakin para na nga kitang anak. Unawain mo nalang ang mga magulang mo nagtatrabaho sila para din yun sa kinabukasan mo."

"Edi parang baluktot na po yun, yung anak pa ang Iintindi sa magulang niya."

"Mahal na mahal ka ng mommy at daddy mo, Busy lang sila anak." - nay pang

Tinapos ko ang pagkain ko saka umakyat sa kwarto. Buti pa yung hindi ko kadugo minamahal ako Eh yung tunay kong mga magulang laging wala. Tssssssssk *______* Alam ko namang nagtatrabaho sila para sa Kinabukasan ko. Eh anak din naman nila ako, masama bang humingi ng kahit isang araw lang na magkasama kaming tatlo? Ni minsan hindi ko naramdamang mahal nila ako. Mas mahal pa nila ang pera at trabaho kesa sakin.

Kinuha ko ang sketchpad ko. Mahilig akong gumuhit at magpinta. Lagi kong ginuguhit ang mga lugar o bagay na tumatatak sa isip ko. Meron din akong maliit na kwartong Tinataguan ko ng mga gawa ko.

I got tired and I fell asleep.

***********************************************

Kinabukasan.

I'm on my way to school.

Nagbike lang ako.

Ang sakit kasi sa pwet kakaupo sa Kotse mas mabuti pang ganito atleast Nakakapag-exercise ako.

Umakyat na ako sa klase ko. Mag-eexam na pala kami next week. Advance daw kasi gagraduate na kami. Excited na rin akong grumaduate. Gusto ko na nang bagong environment.-____-

"Yo Scud! Walang pasok ngayon magreview nalang Daw tayo." - sabi ng kaibigan kong si Neubert.

"Himala?! Ahaha. At tuwang-tuwa kapa?!" Sabi ko

"Ou naman tol, siya nga pala, ok ka ba sa susunod na Sabado after ng deliberation ng final list ng mga Gagraduate? May farewell party daw tayong Lahat sa resort nina Jessa." -Neubert

"Hindi pa nga tapos ang clase at hindi pa nga tayo Nakakuha ng diploma farewell party na agad? Masyado naman kayong excited !! :D" -ako

"Aalis na kasi ang iba nating kaklase after graduation Baka hindi na tayo makapagcelebrate pagkatapos ng Graduation." - sabi ni denise. Kaklase ko

My Dream Wanderer [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon