Chapter 3

19 0 0
                                    

IKATLO

"Jase anak, baba ka nga muna dito. Asikasuhin mo muna mga bisita dito."

"Opo, nandyan na!"

Bakit pa kasi kailangang maghanda ng malaki sa birthday kong to.

Pagpatak ng 10pm nagsiuwian na ang lahat. Hindi agad ako nakapagpahinga dahil sa dami ng kalat at hugasan. Kelangan pa naming magligpit.

Sa sobrang pagod ko nakutulog agad ako.

*Dream

Andito ako ngayon sa bundok sa ilalim ng isang malaking puno, kakaiba to ngayon, sariwa ang hangin at walang halong pantasya. Nakaupo lang ako. Sarap pagmasdan ng paligid. Biglang may nahulog na mansanas sa ulo ko. Shet sa pilipinas may puno nagbubunga ng masanas? kakasabi ko lang na walang halong pantasya ngayon binabawi ko na. Pagtingin ko sa taas hindi pala bunga nitong puno ang mansanas, sinadya pala akong tamaan ng lalaking to.

"Hindi kaba nagsasawa sa pinaggagagawa mo sakin?". Tanong ko sa kanya, bakas yung pagod sa tinig ko.

"Chill!, ang hina lang nun no." umupo siya sa tabi ko.

"Hay bahala ka nga."

"Ba't ang tamlay mo ngayon?" tanong niya.

"Ewan di ko alam, pagod lang ciguro, tsaka di ko masyadong ramdam yung birthday ko."

"Oh bakit naman?"

"Tanungan naba ako ngayon?".

"Ang taray naman nito. Scud nga pala."

"Scud.."

"Yup?"

"Bakit mo ako laging sinusundan?"

"hay, Gusto mo ba talagang malaman?".. tumango lang ako

"Sa totoo nga hindi ko din alam, parang nakakulong na ata ako dito, hindi ko din matandaan kung bakit ako nandito o anong lugar to, pangalan ko lang ang alam ko."

"Ano? Possible bay un?. Baka engkanto ka o maligno?".

"Ang tanda mo na nagpapaniwala ka pa sa mga ganyan!, hindi ko talaga alam."

"Aw ang lungkot naman nun.". Ngumiti lang siya.

"Di kaya, mas mabuti nga dito Malaya ako. Halika samahan mo ako, may ipapakita ako sayo."

Hinatak niya ako pababa ng bundok. Ang ganda ng tanawin dito. Hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta ng bigla siyang tumigil sa may bangin.

"Ano to? Wag mong sabihin..."

"Lilipad tayo!"

"Kelan ka pa naging si Peter Pan? O____o"

"Sundin mo nalang ako! Diba birthday mo? Mag-eenjoy ka dito!"

Bigla siyang tumalon O___o "Huwaaaaag!!"

Lumitaw din siya agad. "Diba sabi ko lilipad tayo? Oh ano? Titingin ka nalang?" .May nalalaman pa siyang backflip.

"Pag ako namatay hahuntingin talaga kita!"

"Dali na!"

Inabot niya kamay ko saka ako hinila. "Maaaaammmaaa!"

"Ahahahhaa huwag kang malikot, lumipad kalang hindi ka malalaglag pangako." Sabi nya sabay ngiti. Ang gandang lalaki nito.

Nagfocus ako hanggang sa lumilipad na talaga ako. "Woooohooooo!"

"Wooooooooooooo! Sabi sayo mag-eenjoy ka!". - Scud

Bigla kong naramdaman na parang may pwersang humahatak sakin pababa.

Sobrang lakas.

"Scud!" .. hindi ata ako narinig.

"Scud..teka...."

"Scuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuddd!"

"Dyos ko Lord! Buti't buhay kapa anak! Akala ko may sa maligno ng sumapi sayo!" - mama

"teka sinong Scud yan?" - Kuya

My Dream Wanderer [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon