Chapter 1

30 1 0
                                    

Author's note:

Greetings!

Hindi po ito ang edited version ng chapter 1 dahil kasalukuyan pa itong sinusuri ng akingnapakagandang kaibigan/classmate/sisteret na si Ms. Rosalyn Ardeta! Siya po ang napakasipagkong Editor-in-chief at proofreader.Hahahaha Multi-tasking lang ang beauty mo teh!Nagpapasalamat din ako sa suportang natatanggap ko sa mga kaibigan kong sina Vanessa,Shrelycca, Keesha, Aimery at Nelvie. Kung hindi dahil sa mga beauty niyo ay hindi ko magagawangisulat ito. 

Sa lahat ng mga future readers ko sana ay magustuhan ninyo ito. Isa pa pala, I also need some of your ideas, "ROMANTIC IDEAS". :D Kung nagtataka kayo kung bakit Seven Tales ang titulo ng series na ito, well ito lang po ang hint ko sa inyo. All stories in this series are slightly based on a true love story. Kaya sana mag-enjoy kayong lahat! 

                                                                                                        ♥ Fiery

Chapter 1

                “Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang yung hari, ako ang prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari, ngunit hindi ang pagtingin na gaya pa rin ng dati.”

Nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame si Nicalaine habang pinapakinggan ang pinapatugtog sa radyo. Ito yung bagong OPM song na kinanta nina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. Hindi ba niya alam pero ganun yata rin ang nararamdaman niya ngayon. Bakit kaya may mga kantang sadyang nagkakatugma sa kung anuman ang nararamdaman ng isang tao? Iwinaksi ni Euryce ang ideyang iyon at nagmadali siyang bumangon para maligo dahil malalate na siya sa school.

“Oh, anak! Halika at kumain ka na, maagang umalis yung mga kapatid mo kasi may mga tatapusin pa daw silang project. Eh ikaw ba?” tanong ni Aling Mina, ang kanyang ina.

“Uh, po? Opo! Kailangan ko rin magmadali kasi late na po ako.” Sagot ni Nicalaine habang minamadaling kainin ang pagkain,

“Anu ba Nic, hinay-hinay lang sa pagkain at baka mabilaukan ka diyan. Etong batang to’ talaga.” Natatawang sambit ng nanay niya.

“Ma naman, alis na po ako. I love you po. Sarap po ng luto niyo!”

Nakarating na nga si Nicalaine sa pinapasukang school at gaya nga ng hinala niya, 15 minutes late na siya. Nagtatakbo siya para habulin ang unang klase niya ng biglang may nabangga siyang kung anong matigas sa harapan niya. Malay niya bang may tao pala dun. “Di ba’t bawal magtatatakbo sa hallway?” sarkastikong sabi ng tinig ng isang lalaki.

Aba’t siya pa ngayon ang pinagsasabihan ng rules sa school, eh memorado naman niya lahat iyon kasi nga isa siya sa mga top students ng school nila. Kinailangan niya lang naman tumakbo at late na nga siya.

Tumingala siya para tingnan kung sinong mokong ang nakabangga niya at titirisin niya talaga ito at bakit kasi paharang-harang pa ito sa dinaraanan niya. “Hoy!!” napatigil lamang siya sa pagsasalita ng makita niya kung sino ito. Ang lalaking nakabangga niya lang naman ay walang iba kundi si Jiroh De Castillo. Ang leader ng drum core nila sa school at sa pagkakaalam niya ay ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng pinakasikat na kompanya na gumagawa mismo ng mga “Gadgets” tulad ng cellphone, tablet, laptops at marami pang iba. Kung hindi siya nagkakamali ay ‘Xyz’ ang pangalan ng kompanya nito.

“Hoy, ano? Bakit parang hindi  ka yata makapagsalita diyan? dahil ba sa kagwapuhan ko?” tanong nito na may panunudyo sa tinig. Aba’t feelingero rin pala ang lalaking ito.

“Huwag kang feeling kasi kung sa tingin ng lahat ng babae dito eh gwapo ka, puwes sa akin HINDI!! Umalis ka nga diyan at late na ako.” Galit na saad ni Nicalaine.

Hope- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon