Chapter 3

6 0 0
                                    

Author's Note:

Hindi pa ito maayos na Chapter at may major editing pang mangyayari. Pero as of now, enjoy reading!

                                                                          ♥Fiery

Chapter 3

8 Years Later

“Saan tayo pupunta mahal ko?” tanong nito sa kanya. “Kahit saan basta kasama kita.” Sagot niya rito.

“Ayy ang sweet naman ng mahal kong ‘to.”

“Nanlalambing lang eh.” Pagpapacute niya.

“Kahit hindi ka pa magpacute at manlambing, mamahalin pa rin kita.” Umupo sila sa isang bench sa park na pinuntahan nila. “Teka may pupuntahan lang ako, dito ka lang.” pagpapaalam nito sa kanya. “Teka! Sama ako.” Pero hindi siya makagalaw. Parang napako ang mga paa niya at hindi rin siya makatayo. Nakita niya ang unti-unting paglaho ng minamahal niya. Sumigaw siya at tinawag ito pero hindi siya narinig nito. Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya magawa. Tumulo na lamang ang mga luha niya. Iniwan na siya ng lalaking mahal niya.

“Ate! Ate! Gising!” bakit siya nakakarinig ng sigaw. Nang bigla niyang naramdaman na sumakit ang kaliwang paa niya. Napamulat siya. Panaginip lang pala.

“Ate! Ate! Binabangungot ka na naman eh.” Reklamo ni Ryla.

Tumingin siya kung sino ito. Ang kapatid niya lang pala. Naaalala niya ang panaginip niya at pumatak ng bigla ang mga luha niya hanggang sa napahagulgol na lamang siya.

Niyakap siya ng kapatid niya at naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. “Ate, walong taon na ang nakalipas. Ate mahal na mahal kita. Ayaw namin nila mama na nakikita kang ganyan, ate.” Nag-aalalang sabi ni Ryla sa kanya.

Oo nga naman. Walong taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Masakit pa rin para sa kanya ang lahat. Hindi niya lubos akalaing masasaktan siya ng ganito.

“Oh anak, ba’t ang tagal mo namang bumaba. Lalamig na itong pagkain mo.”

“Si ate kasi ma, binabangungot na naman.” Pagsumbong ng kapatid niya.

Tiningnan siya ng mama niya at kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala nito para sa kanya. Lumapit ang ina niya sa kanya at niyakap siya. “Alam mo anak, malaki ka na. Maaari mo ng gawin lahat. Maglibot ka sa buong Pilipinas o hindi kaya’y magbakasyon ka muna sa probinsya natin. Baka napapagod ka lang sa trabaho mo. Huwag ka na lang muna kayang pumasok ngayon. Maiintindihan naman iyon ng boss mo.” Pag-aalalang sabi ng mama niya sa kanya.

“Ayus lang po ako ma, isa pa hindi po ako puwedeng umabsent ngayon. Kailangan ko pa po kasing tapusin ang business proposal na ipepresent ko sa Majestics Corporation mamaya. Sige po at maliligo na po ako.” Pagpapaalam niya sa kanyang ina.

Natapos na rin siya sa pag-aayos sa sarili. Handa na rin ang business proposals niya pero kahit na ready na ang lahat, pakiramdam niya ay matutunaw siya. Kahit na marami na siyang naipresent na business proposals sa mga bigating negosyante ng Pilipinas, pakiramdam niya ay first time niya pa ulit ito.

“Ma, mga kapatid. Aalis na ang ate niyo.” Pagpapaalam niya sa mga ito sabay ngiti.

“Ingat ka ate!”

“Kayo rin, mag-aral kayong mabuti. Huwag muna iyang ligaw ligaw, ha?” pagbibilin niya sa mga kapatid. “Ma, alis na po ako.” Sabay yakap niya sa mama niya.

Pumara na siya ng taxi. “Sa I.T park po tayo manong.” Nagring bigla ang cellphone niya. “Hello, uyy kumusta. Bakit napatawag ka?” tuwang bati niya sa kausap. “Oo sige mamaya, saan ba?” tanong niya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hope- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon