CHAPTER 1 - "ARRIVAL"

2 0 0
                                    


CHAPTER 1 - "ARRIVAL"

K's POV

I just rolled my eyes seeing this people; nagiiyakan, nagbabatian, nagkukumustahan. Mga tao nga naman akala mo hindi na sila magkikita. Kasalukuyan akong nasa paliparan at naghihintay.

Kung sakaling hindi late ang susundo sa akin, baka nagtatatalon pa ako sa tuwa oras na makita ko yun. Tama bang mas mauna pa akong dumating kaysa sa kanya, naku talaga kukutusan ko yun eh; pasalamat siya mas matanda siya sakin.

Mahigit dalawang taon narin noong huling uwi ko rito sa Pilipinas. Kumusta na kaya ang mga jologs kung mga kaibigan. Walang nakakaalam sa aking paguwi ngayon, talagang isinekreto ko ito para ma surprise sila. Iba kasi ito sa dating mga uwi ko dahil mananatili na ako dito hopefully for good.

You must be wondering kung saan ako galing; I came from London. Doon ako nag aral ng college, at doon ko rin ipinagpatuloy ang sports career ko. I played basketball during my college years. Unusual, right? Lakas kasi maka impluwensya nung mga kapatid ko eh, lahat sila Varsity.

Speaking of kapatid, talagang pinanindigan ng walangyang yun ang pagiging late ah. Pasalamat siya wala akong jetlag, tumambay kasi ako sa Hongkong ng isang linggo kaya naman nakapag pahinga naman ako, dalawang oras lang naman ang plane ride. Pero ang tagal niya grabe.

Bored na bored na ako nang...

"K" Isang malakas na pagtawag ang narinig ko.

"Finally" saad ko bago ko ito hinarap.

"Sorry Sis, na traffic lang, as you know EDSA never change." Bungad nito sa akin.

"Uso mag fly over." sarkastiko kung saad.

"Sorry na nga" may paawa namang anas niya.

"Old lame excuse Kuya." I can't help but to roll my eyes on him.

"Sus, sige na babawi nalang ako next time." anas niya bago ako niyakap ng pagka higpit higpit.

"I miss you kiddo" saad nito habang yakap yakap pa rin ako.

"I miss you too Kuya, pero pwede ka nang bumitaw, hindi na ako maka hinga." reklamo ko.

"Ito naman ngayon na nga lang ulit tayo nagkita." reklamo niya ngunit binitawan rin naman ako. Pinagtitinginan narin kami which find it odd.

"Everyone's looking" I said.

"Let them be." sabi naman nito na umakbay pa sa akin. He is my closest brother. Isang taon lang ang tanda niya sa akin, kaya kami ang pinaka magkasundo sa aming magkakapatid.

Habang naglalakad kami palabas ng paliparan may naririnig akong mga bulong bulongan. Agad ko namang tining si Kuya at...

"Mukhang sikat na sikat kana ah." puna ko rito, siya kasi ang pinagbubulungan ng mga bubuyog; kesyo kung si Croyd ba raw itong kasama ko at ang masaklap mukhang napagkamalan ata akong girlfriend nito.

"Ganyan talaga ang buhay, hindi ko naman kasi pwedeng itago ang gwapo kong mukha." muntik ko na siya sapukin dahil sa sinabi niya.

"Uso maging humble Kuya." sita ko rito, anyabang eh.

"Hayaan mo na nga sila, bakit ka ba kasi nakikinig." panenermon niya.

"Anlakas kaya ng boses." pag dedepensa ko.

"Bilisan na nga lang natin, tara." pagkasabi niya nun, ay nagpatiuna na itong maglakad.

"Tingnan mo to... KUYA sandali" habol ko naman. Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ng Kuya upang maliwanagan na ang mga bubuyog.

Journey Of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon