Chapter 18

89 6 0
                                    


Chapter 18: Acquaintance

MIZZIE'S P.O.V

Pagkatapos nung nangyari kahapon okay na din naman ang lahat last day na din kasi ng black panthom sa school

May acquaintance pala kami mamayang mga 7:30 ng gabi nandito pa ako sa bahay nag aayos na kasi malapit na kasi mag simula

Tapos na ako kaya bumaba na ako naka backless na dress ako hanggang tuhod, nakita ko si Mommy na naka-upo at parang may kausap nagulat ako nung nandito ang apat na D.D.G

"Ginagawa niyo dito" tanong ko

"Ihahatid ka nila sa party" sabi ni Zach wala pala si kuya Sean

"No thanks...magdadala ako ng kotse" sabi ko

"Sabi sa inyo eh....nagpagod pa kayo na maihatid ang kapatid ko...hahahaha" si Zach

Pero hindi ko na pinansin lumabas na ako at kinuha ang kotse ko sa parking lot namin dito sa bahay...sumunod naman ang apat...

Pinaharurot ko na ang kotse at ilang minuto palang ay nandito na ako sa venue pinark ko na ang kotse ko at lumabas na dumiretso na rin ako sa loob

Nakita ko na si Reigh at sina Dash nasa iisang table kaya pumunta ako sa kanila..may sariling table naman ang apat

May nagsasayawan naman sa dance floor pero wala akong pake...kaya dumiretso ako sa bar counter at nag order ng cocktail

Umiinom lang ako nung lumapit si Cyde sa akin at inalok ako ng sayaw pumayag naman ako...sumasayaw na kami nung makita ko si Renz na may kausap at talagang masaya pa siya ha...biglang kumirot ang puso ko

Parang ayaw ko ng sumayaw nawawalan na ako ng gana feeling ko maiiyak na ako...oo inaamin ko I like Renz simula pa nung pumunta kami sa bahay niya

Ang sakit gusto kong maiyak pero anong magagawa ko one sided love lang siguro toh...hindi ko sasabihin sa kanya dahil masasaktan lang ako

"Mizzie stop" kilala ko kung kaninong boses yun pero binalewala ko lang at iinomin pa sana ang alak na nasa harapan ko pero inagaw niya toh

"Hey that's mine" sabi ko

"Don't drink too much"

"Pakealam mo"

"Can we dance" pagkasabi niya nun biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi pa man ako sumasagot hinila niya na ang kamay ko

"I know you hate me, pero alisin mo muna yan ngayong gabi lang" sabi niya...'I don't hate you I love you' yan ang gusto kong sabihin pero hindi ko kinaya

Pagkatapos nun pumunta na ako sa table namin nagulat nga ako nang nandoon na din sila Zyre

"Zie..anong gagawin mo bukas sa Birthday mo?" Si Reigh

"Birthday mo bukas?" tanong naman ni Xyller

"Oo and by the way nandito ang invitation" sabi ko at binigay sa kanila isa-isa

"Zie buti at naisipan mong maging isa ako sa 18th rose na magbibigay sayo" sabi ni Dash yes debu ko bukas

"Kami rin" si Xyller naman

"Oo...business partners kasi ang parents natin kaya nakasali kayo?"

"Sinong escort mo" tanong naman ni Renz gusto kong sabihin na siya sana

"Si kuya o si Zach nasa kanilang dalawa lang" tumngo naman sila....Umuwi na ako kasi late na rin

~~~~~~~~~~~~

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon