Special Chapter

165 5 0
                                    


Special Chapter 1

10 YEARS AFTER

MIZZIE'S P.O.V

10 years na ang nakakalipas...malalaki na ang anak ko...yes anak ko nadagdagan I have Terrence and the twins Beatrizz and Thyler.. Terrence is 10 while the twins is 8

"Hi mom" sabay na sabi nila

"Hello babies where is daddy" tanong ko

Nag aayos kasi kami dahil may bonding ang barkada...pupunta dito sina Red, Dash, Jionne, Airrex, Xyller, Zyrell at Cyden pati ang asawa't anak nila

"Mommy sila kuya ayaw makipag laro ng dolls sa akin" sumbong ni Trizz

"Bakit ayaw niyo?" Tanong ko sa dalawang lalaki

"Mom naman" si Thyler

"Tss" si Terrence...kuhang-kuha niya ang mukha ng tatay niya walang nakuha sa akin pero ang ugali akin na akin

"Don't worry Trizz pupunta dito ang mga tito mo" sumaya naman ang mukha niya

"Babe"

"Daddy" hinalikan naman siya ng mga bata

"Nandyan na sila" pagkasabi niya nun pumasok naman ang lahat kasama ang mga anak nila

Nakipagbeso lang ako sa kanila...hinayaan naman namina ang mga anak namin na maglaro malapit sa pool

TERRENCE P.O.V

Nandito kami sa pool kasama ang mga pinsan ko...nakita ko naman si Zandra anak nila tito Dash at tita Sandra
Nakaupo lang siya sa duyan mag isa lumapit naman sila Bianca at Jairah pero saglit lang

Sila lang kasi tatlo ang babae habang lima kaming mga lalaki...sinipa niya ang bato at timing naman na sa akin tumama

"Aww" sabi ko

"Drew I'm sorry" sabi niya sa akin...siya lang din ang tumatawag ng Drew sa akin habang ako lang din ang tumatawag ng Zandra sa kanya

Pumasok siya sa bahay at may kinuha pag labas niya may first aid kit na siyang dala...sabi nila suplada daw siya pero hindi naman

"Sorry" sabi niya ulit

"Its okay" sabi ko

"Hindi naman kasi ikaw ang tatamaan ko eh...si Aerone" sabi niya at tumingin sa pinsan kong si Aerone na ngayon ay tatawa-tawa anak siya ni tito Red at tita Monique

"Kamusta ang sugat?" Tanong ni Aerone na ngayon ay nakalapit na sa amin

"Tss"  ako

"Bakit Aerone? Gusto mo bigyan kita...bakit ka kasi umiwas at timamaan nalang tuloy ay si Drew" sabi ni Zandra psh..

"Drizzel hindi naman ako umiwas talagang duling ka lang" sabi ni Aerone hanbang ako tahimik lang umalis naman si Aerone

"Aaahhh...duling pala ha" sabi niya at tumango kinuha naman niya ang throw pillow at binato yun kay Aerone at sapul tinamaan

Pumasok naman ako sa loob may sasabihin kay tito Dash

"Excuse me tito Dash and tita Sandra" naagaw ko ang pansin nila lahat sila nakatingin sa akin

"Ano yun Rence?" Tanong ni tita

"Can I ask a permission?"

"What is it?"

"Can you reserve your daughter for me?" Tanong ko na ikinatawa nila

"Hahaha...sure...I trust you young man...pero kung kaya mong pakisamahan ang ugali niya" sabi ni tito

"Kayang-kaya ko tito" sabi ko nakangiti na silang lahat sa aki

"That's my boy" sabi naman ni dad

"Dadddddyyyy" sigaw naman ni Bianca anak ni tito Xyller

"Problema mo?" Sabi ni tito pinalo naman siya ni tita sa braso

"Daddy I want to make uwi na sa bahay natin...give me the susi of our car" sabi ni Bianca

"Huh? Bakit naman maganda kong baby" sabi ni tita Reigh pero hindi niya pinansin si tita at bumaling siya kay tito Airrex

"Hi tito Airrex..can you make sabi to Neirrex to stop making me pikon kasi I really want to give him a sapak na po" sabi niya at tumawa ang lahat

"Neirrex" tawag ni tita Neisha

"Mom"

"What did you do to Bianca"

"Nothing mom" sabi niya at lumabas na

Pumasok naman si Zandra sumulyap siya sa akin tapos bumaling sa daddy niya kinindatan naman ako ni tito

"Do you like Rence as your friend" tanong ni tito sa kanya

"Rence? Si Drew?" Turo niya sa akin

"Yes..baby si Drew" sabi ni tita at sumulyap sa akin na nakangiti

"Yes...mom and dad...kasi mas matino pa siya sa apat and of course Bianca and Jairah" sabi niya at umirap

Pagkasabi niya nun may heart beats fast...ngumiti naman ang iba habang si mommy ay nag smile lang sa akin

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon