MGA BAGAY NA DI MAIIWASAN SA HIGH
SCHOOL• mga freshmen na tila hindi na fresh pag
sapit ng alas kwatro dahil ambabaho at
andudungis mula sa mga laro, mapapaisip
ka tuloy kung nasa hayskul ka nga ba o
nasa elementarya
• mga nagdadala ng gitara araw-araw. tila
araw-araw din silang may konsyerto
• klasmeyt mo na grabe sa pagbirit tuwing
walang klase. yung tipong kakanta pa ng
papikit para lang maabot ang mga nota
• andyan siyempre yung mga guro na
walang patawad sa pagbigay ng mga
takdang aralin at mga gawain ngunit di
naman kinaklaro ang kani-kanilang mga
tuntunin
• yung klasmeyt mong tulog nang tulog na
parang mas mahaba pa ang oras sa
pagtulog kaysa pakikinig sa guro
• yung guro mong hanep magbiro sa klase,
sa sobrang deep ng mga biro ay hindi kayo
matatawa
• yung mag-aaral sa kabilang silid na sigaw
nang sigaw
• bagol gum sa ilalim ng mesa
• bagol gum sa ilalim ng upuan
• bagol gum sa door knob
• bagol gum sa may gripo
• mahilig ata sa bagol gum ang buong
paaralan
• yung pagkain sa cafeteria na tila adik na
adik ang lahat, may sikretong dasal
sigurong kasama dun
• klasmeyt mong hingi nang hingi ng papel
(wanfort, wanhul, wanhaf)
• klasmeyt mong sagana sa papel
• klasmeyt mong text nang text
• mga outsider na labas masok sa paaralan
(saan na ang mga binabayad sasecurity
measures?)
• mga takdang araling wala naman
talagang kabuluhan sa buhay. parang wala
lang, binigay lang
• mga bayarin na nakakabutas ng bulsa
• yung proyekto sa Technical and
Livelihood Education na ayaw paniwalaan
ng mga klasmeyt mong ikaw ang gumawa
• mga bolpen na pakalat-kalat
• mga bolpen na tila mas mahal pa sa
tuition mo
• yung locker mong walang laman pero
punung-puno pagdating ng isang araw
bago ang exams
• mga parents' consent sa bag mong
nabubulok na
• kaibigan mong lagi mong iniiyakan
• kaibigan mong lagi mong inaasar
• kaibigan mong lagi kang inaasar
• kaibigan mong kung tumawa ay wala
nang bukas, todo sa halakhak
• mga hairstyle na pauso
• mga pumipilit gayahin ang usong
hairstyle. bahala nang magmukhangyagit
• klasmeyt mong nagbebenta ng kahit ano
• guro mong hayop kung magbigay ng
pagsusulit. tipong right minus wrong
minus everything
• suntukan
• sabunutan
• sapakan
• sampalan
• saksakan (biro lang)
• klasmeyt mong dami nang utang, lahat
na inutangan.
• mga birong umaabot sa suntukan na
umaabot sa guidance
• mga pausong ekspresyon tulad ng char!,
ta*, imba, inae, "sana walang klase", huhu,
atbp.
• iyakan sa mga recollection
BINABASA MO ANG
Teens' relatable qoutes
Random#130 in Random Warning Rated -G Suitable for very young high school stundents and even colleges