Kabanata 1

4 0 0
                                    

Kabanata 1

Two weeks have already passed. The pageants preparation is going smoothly. Konti na lang polished na siya. Nag volunteer ako as the coordi. Mabigat ang gawain pero kasi walang gusto ng posisyon kaya ako na lang. I assigned their spot.

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa init. Nagtali ako ng buhok para mabawasan ang init. Nilalagyan ko ng tape ang mga pwesto ng mga kandidata.

"Hey babe need help?" Umangat ang tingin ko kay Stephen.

"Ah no." Tumayo agad ako. Gosh! Ang haggard ko. "Hindi na Stephen. Diba may practice kayo?" I pointed out.

He pouted. His chinito features suited him. Nakajersey siya at I swear gumagana ang pagpapacute niya sa akin. I want to hug him but I am sweaty. Kaya umiling ako sa kanya.

"Pinapalayas mo ba ako babe?" His eyebrows shot up.

I laughed. "NO! It's just that ang haggard ko at okay lang talaga. Promise!" I smiled. It's my first time na may tumutulong sa akin. "Thank you na lang Stephen."

"Alright then. See you later." He waved goodbye. Buti na lang at hindi na ako nito kinulit.

"Oy baboy anong papagawa mo sa akin?" Nagulat ako sa tao sa likod ko.

Uminit pa lalo ang ulo ko. "Don't call me that. At pede ba tigilan mo ako."

"You look so sweet kanina. Bat ngayon kasing pait na ng kape yang mukha mo." He looked too pissed.

"Hah!" Singhap ko sa kanya. "Just help me with the positions." Kung mag-aaway pa kami ay wala kaming matatapos.

"What positions?" Nagtataka niyang tanong.

"Yung pwesto dapat nila! Para matandaan nila." I irritably said. Binalingan ko ang kanina kong naiwang pwesto.

"Okay. I guess it's the time of the month kaya I won't bother you anymore." He went to the other side of the stage.

"Ano?!" Napalingon ako sa kanya. He did the same. "Asan ba yung syota mo at tumutulong ka dito?" di ko maiwasang magtanong.

"Who?" Kumunot ang noo niya.

"Ay oo nga pala." I forgot. This man has too many girls to deal with. "Si Krystal? Or Ayana?" Or most girls here!

"Wala na kami ni Krystal." Walang gana niyang sabi.

I wouldn't be too surprise to know this one. "Ahh.. So who's the new one? Or naging official na kayo ni Ayana?" Napangiwi ako sa pagkasabi nun. Damn that girl. Nilalandi niya yung may gusto kay Ate Freya tapos pinapatos pa nya ang kapatid nito. Seriously?

"Ayana's my friend. Pinapabantayan lang ni Ate okay? As for Krystal, talagang mapilit lang siya but she seemed to like Riguel more kaya nakipagbreak siya."

Napaisip ako. Alleje? Hah! That's too impossible. Alam ng lahat na masyadong mapili si Riguel at wala itong natitipuhan dito. Kahit magpapansin lahat ng babae dito ay walang talab ito kay Riguel. He always shows his uninterested face. Laging seryoso. I bet kailangan mo maging kasing talino niya para pumas aka sa standards niya. Yung Lilienne nga open na open na pinagkakalat ang pagkagusto kay Riguel ay hindi napapasin eh.

"Nasa langit." I said after I heard all of his explanation.

He seemed confused. "Ano?"

"Hanapin mo." I returned.

"Yung alin Maika?" He looked up. I can't help but smile. This fool. "Yung paki ko."

Nang marealize niya na mukha siyang tanga ay pagalit siyang lumapit. "I'm explaining myself Maika! Wala ka dapat ikaselos!" Hinila niya ang kamay ko para mabaling ang attensyon ko sa kanya.

"A-ako? Magseselos?" Di ko makapaniwalng sabi. "How many ti—"

"I don't believe you. Sa tuwing may babae akong kasama. I can see through you. You are damn jealous. Even how many time you deny it. Nagseselos ka!" He accused.

"Hibang ka ba Joaquin? Wala akong pake sa mga babae mo. Plus I have Stephen." I have a boyfriend for God's sake!

"No Maika. You don't love that asshole." He said as if he's so sure.

"Mahal ko siya." I said. Tinignan ko siya sa mata. Now I'm nervous. I don't know why.

"Oh talaga?" He ate the distance between us. "Kung gayon bakit hindi ka nagseselos sa kanya?" He said like he's challenging my faith.

"Why would I? I trust him."

"Trust? Or wala kang pake. I know you know na may something sa kanila ni Dani yet hindi ka man lang nagdududa?" His voice sounded too offensive.

"So anong pinapalabas mo? Na wala akong pake? You know nothing! Stay out of my life." Sigaw ko. I am feeling guilty. How come he makes me feel so guilty? Am I lacking as Stephen's girl?

Dahil sa nangyari ay hindi ko na natapos ang ginagawa ko. I just went home. Thinking of our arguments. Kung bakit nangyari yun.

How can he accuse me of that? At bakit niya sinabi sa akin ang tungkol sa mga babae niya. He sounded defensive back there.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko. Inalog ni Kuya Miroe ang ulo ko. I was annoyed kaya pinalo ko siya. Tumawa lang ito.

"Bunso ano bang iniisip mo ah?" He laughed again. "Ngayon lang kita nakitang magseryoso ah? Boy problems ba?"

"Ewan ko sayo. Bat ka ba nasa kwarto ko?" Masungit kong sabi.

"Kakain na kasi. Tara na." Sumabay ako kay Kuya sa pag baba.

Kuya looked so adjusted here sa Alegria. May trabaho agad siyang napasukan kaya nakakatulong siya kay Mama. Nasa kolehiyo na si Kuya at nagttrabaho siya sa lupa ng Dela Merced.

"Kamusta yung trabaho mo Kuya? Okay ba dun?" Agriculture na lang ang kinuha ni Kuya dahil may lupa si Mama dito galing sa lumipas na tatay ni Kuya Mikoe. Kaya gusto rin ni Kuya mag-alaga nito.

"Oo bunso. Madaming mabait na tao dun. Tinuturuan rin ako ni Knoxx sa pagpapatubo ng mga puno." He said happily.

"Ah mabuti naman. Gusto ko sanang mamasyal dun. Balita ko kasi maganda sa hacienda nila." Narinig ko sa mga estudyante sa school.

"Nga pala bunso!" parang may bigla siyang naalala. "Dun nag-aaral yung anak ng may-ari. Yung babae! Entice ata pangalan. Kilala mo?" Tanong ni Kuya.

Entice Esquivel. Isa pang babaeng nalilink kay Joaquin. Naalala ko nanaman! Bigla akong nawalan ng gana dahil sa naalala ko nanaman ang kanina.

How can he be so defensive kung kitang kita. Kung hindi si Ayana then that one? Bagay sila! Mayaman at makinis yung Entice. Mukhang sophisticated ang ayos. Baka magkatuluyan sila. Mas lalong akong nabadtrip. Odi sila na!

"Hindi e." Pagsisinungaling ko. I want to refrain sa kahit anumang makapagpapaalala sa akin kay Joaquin.

Something's seriously wrong with me. And it's all his fault! I need to sort this out or I'll be doomed.

To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon