After naming kumain ni Erich we decided na umuwi na. Na nag agree ako kasi pagod na pagod ako at kaylangan kong mag isip ng mabuti. So as I was on my way home. Nadaanan ko kung playground dito sa subdivision namin. Then flashback came, those happy, silly and crazy moments are all here in this place. Even the saddest one.
I just found myself na naglalakad na papuntang playground. I stopped at the front of a swing. Iniisip kung uupo ba ako o hindi, coz the last time I check last akong umupo dito nasaktan lang ako, but then umupo pa din ako. I want to think, maybe it is the right time to face it. As I sat down on the swing flashback Came again. "I'm sorry Err. Its not you its me." "maybe we don't fit each other" "may iba akong mahal". Then again for the second time, in this place, in this swing, tears fell down."Miss bat ang ganda mo? " tumingala ako para tingan yung mukha nya. Its really him."Ayy, umiiyak. Panget na si miss ganda. Oh" sabay abot sakin ng panyo. Di ko sana tatanggapin ng kunin nya yung kamay ko at ilagay dun yung panyo.
"Thanks" yan na lang yung nasabi ko.
"Your welcome." sabi nya with a wide smile then umupo sya sa katabing swing. Just like the last time. Ganitong ganito yung set-up namin we are sitting right to each other habang pababa na yung sunset. "So... Masarap ba yung frappe and fries kanina? Diba favorite mo yung mocha and cheese? Or nag iba ka na ng favorite? Wait baka vanilla na rin yung gusto mo ahh. Ikaw gaya gaya ka. Ano miss ganda? "
"stop calling me miss ganda" yan yung nasabi ko. Im trying not to be rude but i can't help it.
"Why? You deserve it. Ang ganda mo kaya."
"Wag tayong maglokohan dito. Alam mong hindi ako maganda. "
"Maganda ka kaya. Miss ganda. " he tried to sound like this thing is going to be fun just like the old days.
"Im not!" I shouted. Wala na akong pakialam. I just want to let this out. "Kasi kung oo! Why not me?! Bakit sya yung pinili mo! Bakit hindi ako! Bakit si Anna? Bakit hindi ako!? Ako na kaybigan mo noon paman, ako na kasama mo sa lahat ng bagay? Bakit hindi ako?" then again tears fell down.
"Im sorry, its just that, I used to call you that way before. Nasanay lang."
"Yun na nga eh. You USED to call me that. Di na tayo gaya ng dati! "
"Coz you changed."
"Wow! Ako pa ngayon? Bakit? Sino ba yung nagka girlfriend? Ako ba? Hindi ba ikaw yun?"
"Yes, nag kagirlfriend ako but I never changed. Ikaw tong pilit umiiwas sakin. You never talked to me after that not until now. Sinubukan kong kausapin ka pero wala eh. You even transfered to other school. Napapagod din ako so I stopped trying but you know what? I'm so happy when I knew that we entered the same university. Bumalik yung pag asa kong baka pwede pang mabalik yung pagkakaibigan
natin gaya ng dati. So dont you ever put the blame on me coz in the first place its you who ruined this friendship. ""Yes, maybe I ruined the friendship that we had. Pero masama bang mahalin ka? Masama bang mahalin ko yung bestfriend ko? Ha Louie? Tell me, masama ba?"
"No. Stop crying Err."
"Bakit hindi ako Louie?"
"Err.. "
"Just answer me."
"The time you said that you love me more than friends, alam ko sa sarili ko na mahal din kita pero bilang kaybigan lang. Ayokong sabihin na mahal din kita para lang wag kang masaktan pero kasi pag ginawa ko yun mas lalo ka lang masasaktan. So I told you the truth that I'm inlove with someone else. I didn't mean to hurt you, mas pinili ko lang yung tama, kung saan mas tatagal tayo, But I'm wrong kasi lumayo ka you even build a wall between us."
"I-i just can't take it to see you with her kasi all this time akala ko ako, akala ko ako yung mahal mo. Sobra akong nasaktan kasi umasa ako, umasa ako na mahal mo din ako, na magiging tayo. Kaya nung sinabi mong may iba kang mahal, bumagsak ako kasi naisip ko na napaka unfair ako yung palagi mong kasama sa lahat pero bakit sya?."
"Di ko din alam Err. Minahal ko sya ng walang dahilan. Kaya di kita masasagot."
And it broke my heart into pieces again. I cried
"I'm really sorry Err"
"Pano naman ako Louie? Mahal din naman kita, bakit hindi ako? Ganun ba ako kahirap mahalin? May kulang ba sakin? May mali ba akong nagawa?"
"Wala-walang mali sayo."
"Then why!?"
"I told you hindi ko din alam. Baka hanggang magkaybigan lang siguro talaga tayo."
Tumayo ako sa swing at tumakbo palayo sa kanya. Di ko na kaya yung mga naririnig ko. It hurts me so much na halos wala na akong maramdaman pero tama sya na baka hanggang magkaybigan lang talaga kami ayokong isipin pero yun ang totoo.
Louie Garcia, my childhood best friend, the boy I loved. Oh crap that! The only boy I love, kahit sobrang masakit na.
BINABASA MO ANG
MISS ANG GANDA MO! - One Shot
Short Story"Whatever" then I rolled my eyes on her. Yeah its always my name -Ap- it was never an Apple nor April, it was -Aphrodite yeah it is. Im Aphrodite Err Montefalco and I am total opposite of my name.