5 years after

23 0 0
                                    

5 years passed I'm still living the past. Yes you read it right di pa rin ako nakaka move-on kay Louie ang hirap kaya almost everyday nagkikita kami and nagkakasama in some school projects buti na nga lang nung 4th year na kami di na kami mag classmate and kung tatanungin nyo ako kung sila pa ni Ana, yes sila pa growing stronger. 1 year after mangyari nung sa playground almost everyday umiiyak ako. I lost my appetite halos di ako makakain then minsan pa nga bigla na lang tutulo yung luha ko while looking at them tumagal ng 2 years yung ganun. and medyo nawala na lang the following years up to now. yes again you read it right magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman kasi meron pa di na nga lang gaya ng dati. Pano ko nasabi? kagaya ngayon tinitingnan ko yung FB profile nya na parang wala lang di kagaya noon pag titingnan ko to lagi akong umiiyak. Sound so stupid right? wala eh ganyan talaga pag mahal mo but with all those things, I choose to continue my life without any hatred and I know konting panahon na lang I will totally and completely move on to him, though di naman naging kami.

Di na rin kami nakapag usap right after nung sa playground I mean meron namang pag uusap pag school related but other than that wala na. we're like a total stranger hanggang sa makagraduate at makahanap ng work. Di ko na rin sya nakikita kasi di naman na ko tumitira sa bahay nila mama and papa. I live in a small apartment malapit sa work ko. Pag naman umuuwi ako kila mama di ko sya nakikita I guess umalis na din sya sakanila. and I doubt it kung iisipin yung nag asawa na sya or naki pag live in na. Remember guys updated ako palagi sa Facebook nya.

And sa loob ng 5 years maraming nagbago like myself. I'm not the old ugly Aphrodite that they know. I've change from head to toe thanks to my friend Michelle but di ko naman sinasabi na sobrang ganda ko na, you know I'm still working on it.

Anyway I'm on my way to work. I'm currently the Manager of the Book Café owned by my beloved Papa. Yes I'm working in our own café and I'm happy about it. Actually it is just a normal Café way before bago pa ako maging manager nito but I changed it into a book café coz I simply love books and coffee and its getting well.

"Good morning Mam" greet sakin ng mga crew right after kong makapasok sa Café. May iilang customer na rin ditto sa loob.

I smiled to them "Good morning" bati ko din sakanila. "Dumating na ba si michelle?" tanong ko dun sa isang crew. Michelle she is also a manager here.

"Yes Mam. Nasa office po si Mam Michelle"

"Okay thank you." then dumeretso na ako sa office nandun nga si michelle sa desk nya.

"Goodmorning" bati ko sakanya

"Morning" bati nya din sakin na halatang may problema.

"Michelle" tawag ko sakanya at tiningnan ko sya na parang may hinihintay akong sasabihin nya.

"Ap I have news pero di ko alam kung good ba to or bad." saka ko lang napansin yung papel na hawak nya. and without saying a word, " gusto ni dad na mag undergo ako ng training under his company" sabi nya na di ko naman ikinagulat. What do you expect sa kaisa- isang anak ng mayayamang tao.

"So?" sagot ko naman. inabot naman nya sakin yung papel na kanina nya pa hawak. " ano to?" tanong ko.

"Resignation letter" sabi nya bago ko pa man mabuklat yung papel. na talagang ikinagulat ko di ko ineexpect to.

"WHAT! bakit ka mag reresign pwede namang mag training habang nag wowork ka dito." saad ko.

"Gusto kasi ni dad na mag focus ako sa training. I'm sorry Ap"

"Okay lang michelle naiintindihan ko naman. Its just mahihirapan akong mag hanap ng manager na kasing taas ng standard mo." pag bibiro ko sakanya

"hahaha. Sus nambola ka pa. But about that wag mo ng isipin yan kasi di ko naman hahayaan na aalis na lang ako dito ng walang kapalit,"

"Talaga? maaasahan ka talaga Michy and I trust your taste naman so okay na. mamimiss kitang babae ka" sabay yakap sakanya.

"O.A neto. 30 mins lang layo ng bahay mo sa bahay namin. haha" sabi nya habang yumayakap din sakin.

"wag kang panira dyan" yakap yakap ko pa din sya.

"Wait lang" sabi ni michelle sabay kalas ng pagkakayakap ko sakanya "Naka talikod ka ba? bakit wala akong maramdaman? hahaha" sabay tawa nya.

"Che!" yan lang yung nasagot ko kasi totoo naman " nga pala kelan alis mo dito sa shop?"

"Ngayon" sagot nya.

"What? why so soon?" tanong ko.

"eh yun yung sabi ni papa eh. don't worry bukas din papasok na yung bagong manager."

"okay" yan na lang ang nasabi ko kasi naman e wala naman na akong magagawa.

MISS ANG GANDA MO! - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon