Chapter 1

475 12 2
                                    

"Nak hindi ka ba papasok ngayon " tanong sakin ni mama.

"Ma masama po kasi pakiramdam ko eh "

"Ganun ba , teka may sulat ka pala na dumating galing yata yun sa school"

"Ahh cge po ma salamat po "

Pagkalis  ni mama sa kuwarto ko ay sya naman paglandas nang masagana kong luha .

Naalala ko na naman yung kahayupang ginawa ni carlo sakin. Nababaliw na sya masyado syang obsessed sakin.

Pano nako ngayon nyan sa school siguradong ,pagmay pagkakataon syang gahasain ako ay gagawin nya.

Kahit matatapos na ang school year semester ay wala akong takas. Pano sa susunod na pasukan.

Habang nagiisip ako ay napansin ko nga ang mga sulat .

Isa isa ko itong tinignan at may Sulat nga na nakatawag nang pansin sa akin.

Sulat ito galing sa Isang universidad sa Cavite na pinagapplyan ko nang scholarship dati.

Agad agad ko itong binuksan at tuwang tuwa ako.

Nakalagay dito na nataggap ako bilang full varsity scholar .

Para sa details maari akong sumangguni sa registrar nang paaralan.

Parang ito ang naging sagot sa pinagdadaanan kung unos.

Kahit masakit ang katawan ko at ika ika akong naglakad ay bumaba ako nang bahay para naman makausap ko ang mga magulang ko ukol dito.

Pagbaba ko nang hagdad ay hindi ko pinahalata ang iika ika kong paglakad. Nakasuot naman ako nang loong sleeve turtle neck na sweatshirt kahit maiinit . Ito ang magsisilbing pantakip ko sa mga bakas nang kahayupan nang demonyong yun.

"Oh anak bakit ka ba nakasweater ang inet inet" tanong sakin ni tatay.

"Ah masama po kasi pakiramdam ko"

"Uminom ka na ba nang gamot " nagaalalang tanong nang aking ama.

Opo pain killer po para mabawasan ang sakit nang katawan ko sa kahayupang ginawa sakin nang amo nyo.
Pero hindi ko isinatinig ang nasa isip ko.

"Opo tay tapos na po"

"Mabuti kong ganun , hindi ka ba papasok ? " tanong ni tatay.

"Ay hindi po muna tsaka kahit hindi na naman po dahil kakatapos lang po nang finals namin kahapon . Ngayon po at sa mga susunod na raw ay pasahan na lang po nang project at school requirements "

"Ahhh sige magpahinga ka na"

"Tay asan po si nanay"

"Ay hinatid kala aling loleng yung pinatahi sa nanay mo "

"Ahhh cge po hintayin ko na lang si nanay ,may gusto po kasi sana ako ipaalam sa inyo."

Gusto kong ipaalam yung kahalayang ginawa sakin. Pero hindi ayokong magdamdam sila lalo na si tatay na may sakit sa puso.

Kakatapos ko lang magalmusal at saktong dating naman ni nanay at nang kapatid kong si butchok.

Kinausap ko sila tungkol sa Scholarship na natanggap ko.
At sa nais kong paglipat.

"Anak sigurado ka na ba " tanong ni nanay.

"Opo tutal naman half scholar lang po ako dito . malaki parin ang binabayad natin . Ayos narin po ito para makatulong ako sa inyo"

"Pano ang tutuluyan at kakainin mo"
Tanong naman ni tatay.

"Kaya nga po pupunta ako dun bukas para sumangguni dahil sa paglalaalam ko ay nagbibigay sila nang libreng tirahan para sa mga scholar. "

"Mabuti kong ganun " sabi naman ni nanay.

"Sige maiige nga yan at wag mong tatanggihan kung sakali mang pumasok ka dun ang ipapadala naming pera nang nanay mo ayaw kong magtrabaho ka ."

"Opo tay salamat po "

Kinabukasan nga tulad nang plano ay pumunta ako sa universidad na iyon para sa aking scholarsip . Laking tuwa ko dahil kahit miscellaneous at labeggoratory fees ay wala akong babayaran. Kailangan ko nga lang magpatahi nang uniform pero ayos nayun dahil sulit naman. Libre narin ang aking dorm dahil meron palang Varsity house ang school.

Im Inlove With My TeammateWhere stories live. Discover now