Lucky

16 3 1
                                    


3rd Person's POV

Sa labas ng studio, maraming tao ang nagtitiyagang naghihintay. Naghihintay silang makita ang kanilang iniidolong artista. Medyo kanina pa silang nag-aabang kaya naman makikita mo sa kanilang mukha ang pagkainip. May naiinitan at may parang nauuhaw.

Di nagtagal, may napansin silang sasakyan na huminto sa parking area ng building. Hinintay muna nilang may bumaba at nung nakita nilang isang lalaking nakaitim na shirt na medyo di katangkaran, moreno at nakasuot ng glasses na pula ang holder ay agad silang lumapit, nagtakbuhan at nagsigawan.

Ang mga mukha nilang kanina ay naiinip, napapagod at naiinitan ay napalitan ng ngiti, tuwa at excitement. Nagsisigaw sila "My God, andito na sina Paul!!!"

Pagkatapos bumaba ng lalaki mula sa kotse ay sinarhan na niya ito. Nagtaka ang mga tao.

"Si Paul! Asan si Paul? Ilabas niyo si Paul!"

"Paul! Andito kami Paul!"

"Paul lumabas ka! Ikamamatay namin pag di ka namin makita ngayon!"

"Paul my loves! Lumabas ka na babe!"

At kung anu-ano pang pinagsisigaw nila.

Yung iba may dala-dala pang mga banner at tarps.

Obviously, mga fan sila ni Paul Vergara. Members sila ng Paulnatics at Paul's Angels.
Ilan lang sila sa napakaraming fans club ni Paul Vergara.

Mayamaya, nagsalita ang lalaking lumabas kanina. Pinapatigil niya ang mga fans sa paghiyaw at pagsigaw.

"Mga bes, mga bakla, mga ate, kalma lang ha. Si Paul, kanina lang umuwi. Actually galing ako sa bahay nila. Kaya nga nagtataka ako at nandito pa kayo. Akala ko nameet niyo na siya kanina."

"Eh kanina pa kami dito e. Kanina pa kami dito sa labas. Wala naman kaming napansin na Paul Vergara na dumaan sa amin."

"Oo nga. Di namin siya napansing lumabas."

Reaksyon ng mga fans.

"Huh? Napakaimposible naman yun. Maliban na lang kung sa kabilang exit siya lumabas." Paliwanag ng lalaki, siya ang road manager ni Paul.

"Di ba may guesting siya ngayon sa loob ng studio? Ngayon ang sched niya di ba?" Tanong ng ilang fans.

"Ahh. Di ba kayo nainform ng mga club presidents niyo? Namove ang sched ni Paul. Kaninang madaling araw siya pumunta dito para sa guesting. Kasi hindi live ang episode ngayon ng talkshow kung saan guest siya." Paliwanag ulit ng manager.

"Ayy sayang naman."

"Kanina pa kami dito e."

"Wag kayong mag-alala. Kasi bukas, pupunta siya dito. The same time pa rin. So dapat maaga kayo para di niyo mapalampas si Paul. Okay ba?"
Sabi ng manager.

Tumango naman ang mga fans. Kaya unti-unti na silang nagsialisan at nagsiuwian.

Si manager naman ay nung napansin niyang wala na masyadong tao ay binuksan niya ang kotse at "Paul, wala na sila."

Lumabas ang isang napakagwapo, matangkad at maputing lalaki. Nakashades ito, nakalong sleeves. Ngumiti ito sa manager niya at sinabing " Ang galing mo talaga Tito Justin. Ang galing mong magsinungaling." Pang-aasar ni Paul sa manager niya.

"Ikawng bata ka. Naku, kung di lang kita alaga ibubuko talaga kita sa mga fans mo. Ikaw pa talagang nagpush sa akin na magsinungaling." Sabi niya sa alaga.

"Tara na po. Baka malate na tayo sa show."

At naglakad na sila papasok ng studio.

BELLA'S POV:

A Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon