Noticed

16 4 0
                                    


Andito na naman siya. Tinititigan na naman niya ako.

"Hoy! Ano ka ba? Wag mo nga akong titigan? Baka matunaw ako ha." Sabi ko sa kanya na medyo kinikilig.

"Hoy! Ano ka ba? Kinikilig ako sa mga tingin mo eh." Sabi ko ulit sa kanya na parang kinikiliti kung makangisi. Kinikilig kasi ang ate niyo.

"Bellaaaa!!! Ano na bang nangyayari sa'yo? Bakit mo kinakausap ang sarili mo? Nababaliw ka na ba?"
Pasigaw na sabi sa akin ng babaeng nasa likod ko.

Inexit ko kaagad ang facebook ko. Baka makita niya kung kaninong picture ang kinakausap ko dun. Oo, tama ka. Picture lang ng crush ko sa facebook ang kinakausap ko. Stalker kaya ako.

"Ano ka ba Claire? Line ko yun sa play namin sa school." Pagdadahilan ko.

Siyempre noh. Ayaw kong malaman niyang crush ko si Paul.  Okay na sa akin ang matawag na baliw, wag lang ambisyosa.

"Play? Sa school? Adik ka? Summer vacation ngayon kaya anong sinasabi mong play sa school?" Tanong niya.

Oo nga pala. Bakasyon pala namin ngayon. Pasensiya na. Palaaral kasi ako kaya nasanay na akong pumasok. Nakakamiss mag-aral noh? *sarcasm*

"Ano ka ba. Preparation na yun kasi marami ng performance task ang ibibigay sa atin next sem. 3rd year college na kaya tayo sa pasukan. Ayokong magkaroon ng line of 2 noh."
Palusot ko. Wala na akong maisip eh.

"Sus! Palusot ka pa. Pero tama ka rin naman. Marami nga daw kasing nagka-DOS ng dahil sa mga performance na yan nung nag3rd year sila. Hayy naku, pag matalino talaga laging advance mag-isip." Tugon niya sa akin.

O di ba? Matalino ako? Di ako nagsabi niyan ha.

Nandito pala kami sa bahay namin. Bakasyon kasi kaya wala kaming pasok. Nakakabored kaya. Buti dumating tong shunga kong bestfriend.

Pero nakalimutan ko palang ipakilala sa inyo ang kausap ko kanina, si Paul. Si PAUL VERGARA lang naman ang isa sa mga pinakasikat at isa sa pinakagwapong artista sa Pilipinas. 20 years old lang din siya tulad ko. O di ba? Magkaedad lang kami?

Ayaw kong ipaalam kay Clarice na crush ko si Paul kasi kunwari akong bitter sa mga lalaking gwapo. Kunwari kasi akong walang crush. Ako yung babaeng focus "kuno" sa pag-aaral pero may tinatago din palang landi.

Idol at crush din ni Clarice si Paul. Lahat siguro ng babae may crush sa lalaking yun. Gwapo na nga, sikat pa, magaling pang magpakilig gamit ang kanyang ngiti at tinig at higit sa lahat mabait. Lagi nga niya akong kinikwentuhan tungkol kay Paul. Lagi ko naman siyang sinisita kasi nga kunwari akong walang pakialam. Pademure kasi ako. Sorry na.

Sa dinami dami ng sikat at gwapong artista dito sa Pilipinas, ewan ko kung bakit si Paul ang nagustuhan ko. Actually, gusto ko na siyang makita sa personal. Pero parang malabong mangyari yan kasi nasa probinsiya lang ako. Nasa Maynila kaya siya. At kung sakali man na pumarito siya, I am so sure na di niya rin ako mapapansin.

"Alam mo ba Bella, parang di magiging boring ang bakasyon ko ngayon. May good news kasi akong narinig." Kwento ni Clarice sa akin.

"Anong news? Siguraduhin mo maganda yan." Utal ko. E kasi naman walang kwenta minsan ang mga pinagsasabi ng babaeng to e.

"Ano ka ba. Good news nga. Kasi si Paul, pupunta dito next month. May concert siya."

W-H-A-T???

"TOTOO?" Tanong ko sa kanya na halatang nabigla.

"Akala ko ba wala kang pakialam kay Paul? Bakit parang nasurprise ka?"  Gulat niyang tanong.

Kasi naman eh. Nagpapahalata ako masyado.

A Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon