Chapter 1: First day

38 4 0
                                    

-Keighshel's POV

"Aray ko naman Sapphire kanina ka pa ah!"

Nagde-day dream ako dito tapos batok ng batok kasakit na tuloy ng ulo ko. Feeling ko magkakabukol ako ng wala sa oras neto eh!

"Eh kasi naman kei ayaw mong makinig sakin kanina pa ko kwento ng kwento dito!"sabi niya at nagpout pa ang gaga.

Hindi ko na lang siya pinansin at sa halip pinagpatuloy ko na lang yung pagde-day dream ko.

Bakit ganon? Bakit hindi niya ko magawang mahalin? Bakit ayaw niyang tanggapin na patay na si Lorraine?ang babaeng pinakamamahal niya na hindi niya makalimutan. Oo masakit! Sobrang sakit kasi ako mahal na mahal ko siya pero para sa kanya isa lang akong disperada na habol ng habol sa kanya.

"Kei."

Oo, alam ko na hindi pa din siya nakakamove on pero sana naman ma appreciate niya yung pagmamahal ko kasi ang sakit sakit na!

"Kei."

Hindi niya ba alam na mahal na mahal ko siya pero sabagay pano niya ba malalaman eh wala naman siyang iniisip kundi si Lorraine. Wala din siyang pakielam sa mga taong may feelings sa kanya. Minsan gus---

"KEIGHSHEL ZSUZZAINE MELDIAZ."

"Ay hampaslupang abnormal!!ano ba naman Sapphire makasigaw ka wagas!" Irita kong sabi.

"ABA! NAGBELL NA HINDI PA BA TAYO PAPASOK?DAY DREAM KA KASI NG DAY DREAM KAYA YUNG KWENTO KO HINDI MUNA NALAMAN PATI PAG BELL DI MO NARINIG!!" Sigaw niya sakin habang nakapa-mewang pa.

"Sorry!! Kasi naman eh!" Sabi ko.

"Anong kasi naman? Hindi ka pa ba tatayo dyan?" Tanong niya.

"Oo na!eto na tatayo na po tara na baka malate tayo." Sabi ko.

Tumayo na ako at naglakad na kami para pumasok sa first subject namin. Nandito kasi kami sa garden, maaga kasi kaming pumasok kaya tumambay muna kami dito.

Pero, nagbell na pala ah!hindi ko narinig.

(A/N:pano mo maririnig eh day dream ka ng day dream.)

Tsk! Wag ka ngang makisali  hindi ka nababagay dito.

(A/N:aba!aba! Baka gusto mong maagang mawala dito.)

Eto naman si author niloloko ka lang eh!sige na author mamaya na lang bye!

-Back to reality-

Pagpasok namin sa classroom nakita ko agad siya sakto naman natingin siya dito kaya nginitian ko siya pero cold expression lang ang binigay niya.

Dumiretso na lang kami ni Sapphire sa vacant seats sa likod. Pag upo namin saktong pagpasok ng adviser namin.

"Good morning class!" Bati ni mam.

"Good morning ma'am!" Bati namin.

"Ok take your seat! Dahil first day of school ang gagawin lang natin ay introducing yourself, let's start."Sabi ni ma'am.

Nagsimula ng magpakilala isa isa hanggang sa sila Clave na.

"Clave Thyrro Lecma."

Umupo na siya pagkatapos. Sumunod naman yung kaibigan niya.

"Lander Joaquin Alvarez, 17 nice to meet you!"

Pagkatapos niya, tumayo na si Sapphire at pumunta sa harap.

"Sapphire Audrey Smith,17 nice to meet you!"

Love Me The SameWhere stories live. Discover now