"Alinje, sigurado ka na ba sa lilipatan mo ha?" tanong ni Camille kay Alinje habang nag-iimpake
"Oo naman. Tsaka kaya ko naman na eh." sabi ni Alinje habang nagtitiklop ng mga damit
"Pero may ka-share ka daw sa room. Malay ba natin masamang tao pala yung kasama mo sa apartment." sabi ni Camille
"Anukaba. Kilala lahat ni Angeline lahat ng nakatira doon noh kaya wala na akong dapat ipag-alala pa noh." sabi ni Alinje
"Okay sige. Pero mag-iingat ka ha, mag-text ka mag-email, tsaka wag mong kakalimutan sumulat." Sabi ni Camille
"Sira. Dito pa rin ako sa Pilipinas, Kung makahabilin ka naman akala mo mag-aabroad ako." sabi ni Alinje
Tapos ng mag-impake si Alinje kaya naman nilabas na niya ang kanyang mga gamit at dinala sa sala
"Haha, Joke lang ito naman. Seryosohin talaga?" sabi ni Camille na nakasunod kay Alinje
"Ito naman, sinakyan lang kita noh." Sabi ni Alinje
"Aww. You wrecked me, best?" padramang sabi ni Camille
"Anong wrecked wrecked sinasabi mo diyan. Naging tayo ba? Lesbian lang ang peg. Ikaw talagang babae ka. O siya, mauuna na ako ha." Sabi ni Alinje
"Ingat ka ha. Ingat sa paglalakad baka ma-meet mo si EX papa." Sabi ni Lesley
"Hay naku, Camille pwede ba. Naka-move on na ako sa kanya noh. Its been two years." Sabi ni Alinje
"Yah right. And two years ka na rin single teh. Nanunuyot ka na. Imagine ha, 27 ka na and turning 28. Tapos single pa rin. Si Celestine lang ang peg." Sabi ni Camille
"Kadiri ka wag ka ngang ganyan, wala pa naman akong 30's ah para tumuyo. At sino naman si Celestine ha?" sabi ni Alinje
"Celestine Gonzaga. AKA TonI Gonzaga." Sabi ni Camille
"At ano naman kinalaman ni Toni dito ha?" Sabi ni Alinje
"Eh kasi naman o, she's 29 and still not married. Magpakasal na kaya sila ni Direk Paul." Sabi ni Camille
"Ikaw talagang babae ka bad ka. O siya aalis na ako at humahaba ang chitchat natin." Sabi ni Alinje
"Haha As usual. Sige na sistah, aura ka na, keri ko na dito. Go!" Sabi ni Camille
"Haha. Sige ingat ka ha. Baka mamaya kung sino sinong papuntahin mo dito. Porket gwapo papasukin mo. Baka mamaya magahasa ka." Sabi ni Alinje
"Hay naku. Kung kasing guwapo rin lang naman ni Edward ng twilight ang gagahasan sa akin, naku, ibibigay ko na ang buong sarili ko. Hihi" Sabi ni Camille
"Ikaw talaga ang landi mo noh. O siya, baboosh." Sabi ni Alinje
Nagbeso-beso na ang dalawa at pagkatapos ay lumabas na si Alinje.
"O Alinje. Ito ang kuwarto mo ha. Wala pa yung kasama mo dito. Nasa trabaho pa pero mamayang gabi nandito na rin iyon. Tsaka wag kang mag-alala dahil may sarili kayong mga susi dito sa apartment." Sabi ni Aling Delaila habang tinu-tour si Alinje sa kuwarto niya
"Salamat po ha. Ay matanong ko lang po ha, sino po ba yung makakasama ko dito sa apartment?" tanong ni Alinje
"Tok tok tok
biglang may kumatok sa pinto
"Sandali lang Alinje ha." Sabi ni Aling Delaila
Agad naman pumunta si Aling Delaila sa sala para buksan ang pinto
"O Shirley, ikaw pala. Bakit?" tanong ni Aling Delaila
"Eh Aling Delaila, nawawala po kasi yung susi ng kuwarto ko eh." Sabi ni Shirley