Chapter 39 : Fault

82 9 0
                                    

Rhelexiana POV

"Totoo ba yang mga sinabi mo?" seryosong tiningnan ni Daddy ang mga pulis na nandito sa room ko ngayon . Inutusan kasi sila ni Dad na mag re-investigate sa aksidente namin noon ni Mommy.

3 days na ang nakalipas simula nung nagising ako . Humingi ng tawad sa akin si Dad , Seft at Mushy dahil sa isinekreto nila sa akin ang alaala na dapat kong malaman.

"Confirmed po Sir Edward . Hindi lang si Maam Diann ang namatay nung aksidenteng yun kundi pati na ang Ina ni Vince." napabuntong hininga nalang si Daddy at tiningnan ako . Nagkunwari akong nakatulala kahit na ang totoo ay naguguilty na ako ng sobra . Tinanguan ni Daddy ang mga pulis kaya nagsimula na silang umalis , sumunod din si Daddy sa kanila kaya ako nalang ang naiwang mag-isa dito.

Kung di lang sana ako kinain ng galit nung araw na yun this would never happened. Its all my fault kung bakit nagkakaganito kaming lahat ngayon its because of my stubbornness and brattiness nangyari lahat ito ngayon. I hit my head again and again . I cant deny the fact na because of me namatay si Mommy , because of me namatay ang Nanay ni Vince, because of me nawala ang baby ko  and because of me kaya nagiging ganito kami ngayon . I hate myself ! I hate being me !

Diko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko . Tears of guilt , I want to kill myself . Di ko masisi si Vince kung bakit ganun siya sa akin, kung bakit gusto niya akong patayin. I killed his mother at kahit baliktarin man natin ang sitwasyon , im the suspect here. I hit myself again . Kulang pato sa lahat ng nagawa ko , I deserve to die . I should vanish !

"Xiana tama na ." pinigilan ako ni Nathan pero di ako nakinig I continue to hit myself really hard. Biglang may umagos na dugo galing sa ulo ko papunta sa cheeks ko . Di ko naramdaman na nagoopen na pala yung mga stitches sa ulo ko dahil sa lakas ng suntok na ginagawa ko sa sarili ko.

"Tama na Xiana ! Tama na ! Sinasaktan mo lang sarili mo!" Nathan hug me kaya dun na ako umiyak . Di ko na alam ang gagawin ko! Gusto kong matapos nato kaya dapat mawala na ako. Niyakap ko si Nathan ng mahigpit kita kong nagkastain ang puting t-shirt niya dahil sa dugo ko pero binalewala niya lang ito.

"Sssssh Xiana . Everything will be fine , it takes time to heal everything." mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Hanggang kailan? Kailan ang time na yun ? Kung mamatay naba ako ? Kung mawawala na ba ako sa mundo ?

Ilang oras akong pinakalma ni Nathan at sa wakas kumalma din ako. Inayos na din ng Doctor ang sugat sa noo ko sa susunod daw wag ko nang saktan ang sarili ko baka maano pa daw ako. Mas mabuti pa nga yun eh para matapos na ang lahat ng ito , di naman toh mangyayari kung wala ako dito. Tahimik sana ngayon at walang gulo kung di lang sarili ang iniisip ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo Xiana."
Paano yan Nathan ? Sinisisi ko na ang sarili ko dahil sa mga kagagahang ginawa ko . Siguro nga karma na ito dahil di ako naging maayos.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan niya ako direkta sa mata and this time I feel im safe next to him . "I can see it in your eyes Xiana . Its not your fault . Lahat tayo nagkakamali at hindi solusyon ang patayin ang sarili mo." biglang napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Nathan . I know na naging unfair din ako sa kanya kasi di ko nakikita ang worth niya but all I can say ang suwerte ko dahil I got Nathan the one who can calm me down and make me feel safe all the time.

I hug Nathan tightly . I feel sorry dahil nagpakatanga ako at di nakinig sa kanya. Sana nga matapos na itong lahat at hihintayin ko ang panahon na wala na kaming problema kundi kasiyahan nalang.

Queen of BitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon