I : Ang Pagkikita-kita

7 0 0
                                    

 CHAPTER 1

"Ang Pagkikita-kita"

"Tagsibooooool!"

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa 'kin. Iisa lang naman tumatawag sa 'kin ng Tagsibol na pinoprolong ang "bol" eh.

"Bethpwen!", sigaw ko sabay kaway sa kanya.

Nasa hallway na ako ng school. Pupunta na sana ko ng Announcement Board para hanapin kung anong section na ako iniligay this senior year.

Naglakad siya papunta sa'kin with his matching smile. Nag-Hi naman siya sa mga bumabati sa kanya na nakakasalubong niya. Air Exad Ryu is known in this school.

"Hi Hangin!", I greeted him.

I call him Hangin kasi Air namam pangalan niya. Hindi naman siya nagagalit eh.

"Aga natin ngayon bethpwen ah.", sabi niya nang makalapit na siya sa'kin sabay gulo ng buhok ko. Habbit na niyang guluhin buhok ko kaya nasanay na akong pumasok ng classroom na parang witch.

"Nagbabagong buhay.", sagot ko.

"Good for you.", ginulo na naman niya buhok ko. "Anong section tayo?"

Naisipan na naming maglakad papuntang AB.

"Titignan ko pa lang. Kung makapagsalita ka, parang sigurado kang magkaklase talaga tayo ah.", sagot ko sabay kuha ng panyo na nasa pocket ng polo niya tapos pinunasan ang dumi sa gilid ng labi niya. Mahilig kasi 'tong kumain ng Milky Way. Para nga akong nanay nito na pinupunasan ang dumi sa mukha niya.

Nang nasa tapat na kami ng AB, huminto na kami.

"Wooo. Too many people.", sabi ko sabay pout.

Andami naman kasing mga estudyanteng tumitingin din ng mga sections nila.

Pagkasabing-pagkasabi ko nu'n, 'yong babaeng nasa unahan namin ay biglang napalingon sa amin.

"Spring!"

"Miracle?", napakunot naman noo ko. "Wow. You look nice. Red hair suits you.", sabi ko sabay haplos ng pulang buhok niya.

"You really like it? I'm glad you do.", binaling naman niya ang tingin niya kay Air na kain pa rin ng kain ng Milky Way niya habang nagsusumikap na makasulyap sa AB. "Hoy Hangin!", sabi niya sabay sundot sa tagiliran ni Air. Napatingin naman si Air sa kanya.

"Aaaaaaaah! Pula ka na!", bulalas ni Air.

"Wow ha. Kung magulat, wagas!"

"Hahahahaha. Sorry. Nahanap mo na section mo?"

"Magkaklase pa rin tayong labing-pito. May nawala sa Star Section at may nadagdag. Pero, hindi natibag ang Stupid 17.", sabi ni Miracle with matching hand gestures.

"Speaking of Stupid 17.... nasa'n na sila?", pagtatanong ko.

Palingon-lingon pa 'ko sa paligid ko. Baka nandito lang mga 'yon.

"Hindi ko rin sila nakita eh.", sabi ni Miracle sabay shrug at tingin sa paligid.

Ito namang si Air bigla na lang sinundot ang tagiliran ko. Ito sign niya kapag may sasabihin siya sa'yo. Weird talaga kasi itong bestfriend ko eh. -_____-

"Ano?", tanong ko.

"Skedul.", sabi niya habang ngumunguya ng Milky Way. Nang marealize niyang hindi ko naintindihan ang sinqbi niya, nilunok muna niya ang kinakain niya tapos nagsalita ulit. "Sabi ko schedule. Wala pa tayong listahan ng schedule.", kumagat na naman siya ng Milky Way.

"Ah. Oo nga.", humarap ako kay Miracle. "Himala, schedule, meron ka na?"

"Sigurado akong kinuha na 'yon ni Summer. Tara hanapin natin ang bruhang 'yon.", sabi niya sabay hila sa'kin.

Story of Spring: That Mysterious FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon