Strategy #2: Pole Dancing
“Ok. Ayaw ni Papa Glenn ng pademure effect so iibahin natin ang strategy. Magiging aggressive tayo!” sabi niya sabay abot sakin ng librong pinamagatang POLE DANCING FOR DUMMIES.
What the hell lang? Kung anu-anong naiisip nitong si Kaycee.
“Pag-aralan mo yan dahil magkakaron ka ng major performance in about 30 minutes!” Napangiwi lang ako sa sinabi ni tots pero napabasa din ako nung libro. Nakakatakot kasi e. Nag-aapoy yung mata. Parang no choice lang ako.
After 30 minutes, pinapwesto niya ko dun sa corridor na maraming railings. Di ko nga gets kung pano ko iaapply yung mga nabasa ko dun sa libro dito sa railings. Di naman pole to e. Mga pauso ni Kaycee o.
Pero ewan ko ba. Nung moment na pinatugtog na ni Kaycee yung tunog na pang pole dancing e kusa nang gumiling yung katawan ko dun sa mga railings na nagsisilbing pole kuno. Well… natural pole dancer e. hahahaha!
Tapos ayan na si Papa Glenn.
Naglalakad siya ulit papunta sa direction ko. Tinitigan ko lang siya ng sexy look ko habang gumigiling sa railings. Tipong nang-aakit ba. Pero nakatingin siya sa mga papel na hawak niya. Pero hindi pa din ako sumuko.
DAPAT MAPANSIN NIYA KO!
And when he was 5 steps away from me…
“Oops.” Nahulog yung ballpen na hawak niya at gumulong ito hanggang sa mga paa ko. Hinabol niya. Syet lang. Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Nagwawala lang e.
Unti-unti siyang tumayo mula sa pagkakayuko niya sa pagkuha nung ballpen.
Tapos…
Nilagpasan na naman ako.
Ano ba yan! Ichapwera na naman ang beauty ko!
Ang sexy sexy na kaya ng pagkakapole dancing ko! Hindi man lang ako nilingon.
“Tots.” Nagulat ako nang biglang naglanding yung kamay niya sa balikat ko.
“HINDI TAYO SUSUKO!”
BINABASA MO ANG
Chasing Glenn
JugendliteraturNaalala pa ba ninyo ang kwento ni Glenn sa storyang The Perfect Stepbrother 2? Well, here's a short story about a little behind the scene. Kilalanin ang masugid na number fan ni Papa Glenn na si Rayne at ang kaniyang mga strategies upang makuha ang...