Strategy #4: Fifteen Days Wallpaper
“Akin na cellphone mo.” Mataray na sabi sakin ni Tots. Minsan masarap bigwasan tong babaeng to e. Pero dahil maganda ako hindi na ko umangal at inabot na lang sakaniya yung phone ko.
Kung anu-ano naman ang ginawa niya dun. Di ko lang pinansin. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng TV. Lately nga e wala pang kalokohang naiisip tong si Kaycee para dun sa PROJECT: CHASING GLENN namin. Pero mabuti na rin yun. Puro kalokohan naman yung naiisip ni Tots e. Kung hindi ko lang Tots yan, di ko sinakyan mga trip niyan.
“O ayan.” Tapos binalik na niya sakin yung phone ko. Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong kung anong ginawa niya sa phone ko.
“Binluetooth ko lang naman diyan yung nakuha kong stolen pic ni Papa Glenn your labs. In fairness a. 2 days ko ding tinrabaho yung stolen pic na yun.” Napakunot naman ang noo ko. I mean, naappreciate ko effort ni tots sa pagkuha ng stolen pic ni Papa Glenn my labs pero hindi ko lang talaga magets kung anong gagawin ko dun?
Oo, pwede kong titigan ng titigan hanggang dumugo na yung mata ko sa katititig pero aside from that…bakit?
“Alam mo kasi, narinig ko lang naman ‘to diyan sa tabi tabi a. Kapag daw kasi ginawa mong wallpaper yung picture ng taong mahal mo at walang nakakita for 15 days e kayo ang magkakatuluyan.” May pahawak hawak pa sa baba niyang pag-eexplain sakin.
Pero teka!
Parang familiar sakin yang kwentong yan a.
Para ngang may youtube link nung short film nung kwentong yun sa gilid ng page na ‘to na gawa lang naman ng isang napakagandang nilalang at ng kaibigan niya. Ahihihihi!
So anyway… Nagulat naman ako nang bigla na namang humawak sa dalawang balikat ko. Kung minsan talaga nagtataka ako kung bakit kaibigan ko ‘tong babaeng ‘to e.
“Tots, nakasalalay na sa iyong mga kamay ang 4th strategy!” Tapos tumalikod na siya sakin at lumayas ng pamamahay ko. Pero may kasamang “BWAHAHAHAHAHAHAHA!” lang naman yung paglalakad niya. Pambihira.
Well, kahit kalokohan na naman ‘to ni Kaycee e sinunod ko pa din kasi friend ko siya and friends trust each other. ^_^ Pati wala namang mawawala kung susubukan ko e diba? Gagawin ko lang namang wallpaper yung napakapoging pagmumukha ni Papa Glenn for 15 days at ang challenge lang dun e yung walang makakita.
1st day: success!
2nd day: success!
3rd day: may pagkamuntikang mabisto pero success pa din.
4th -8th day: success!
9th day: halos lalabas na yung puso ko nang muntikang Makita ng nanay ko pero success pa din.
10th-13th day: success
14th day: success
And on the 15th day…
“HOY EM PATAMBAY SA BAHAY MO.” Si Em. Well, hindi rin naman Em ang pangalan niyan at alam niyo naman nang hindi rin Em ang pangalan ko. Em lang kasi inispell namin yung letter M. Yun kasi yung pangalan ng crush namin dati. Nung mga panahong out of sight si Papa Glenn. Siyempre nalumbay din naman ang puso ko kaya napilitan akong tumingin sa iba pero si Papa Glenn pa din talaga ang labs ko. Haha! Pero yun nga, dahil sa crush naming yun kaya naging magkaibigan kami nitong si Em at yun nga Em na ang tawagan namin.
Pero Ira talaga pangalan niyan. =)
“Sige bahala ka pero wait lamang ako’y magsiCR.” Tinanguan lang ako ni Em at nagtungo na ko sa CR para jumingle. Siguro mga one minute lang akong nagtagal sa loob ng CR ng bahay namin at nang pag labas ko ng CR…
“Oi Em, parang kilala ko ‘tong nasa wallpaper mo.”
O_O
O__O
O____O
O_______O
“In fairness, ang pogi niya a, Em.”
Napalunok ako. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kinauupuan ni Em.
Hinawakan ko ang dalawang balikat niya. Nakayuko pa ko nung una at unti-unti lang na iniangat yung ulo ko habang patawa-tawa.
At nang magkaharap na ang aming mga mukha ni Em…
“PUNYEMAS EM! WINASAK MO ANG BUHAY PAG-IBIG KO!!! GRABE! SINIRA MO YUNG PINAGHIRAPAN KO NG LABINLIMANG ARAW! LABINGLIMANG ARAW, EM!!! PIPTIN DEEEEEEYS!!! FIFTEEN DAYSSSSSSS!!!!” Inalog alog ko pa siya. Hindi naman siya nakaimik at natulala lang siya sakin.
Feeling ko natakot kaluluwa ni Em sakin.
Feeling ko kasi sinaniban ako ni Kaycee e. Tipong nag-aapoy yung mata tapos tumatayo tayo pa yung buhok tapos may maitim na aura sa likod. Feeling ko lang naman ganun itsura ko habang inaalog ko ang kaluluwa ni Em.
Pero huhuhuhuhuhuhuhuhu!
Wala na naman. Fail na naman.
Paano na ko mapapansin ni Papa Glenn my labs nito?
BINABASA MO ANG
Chasing Glenn
TienerfictieNaalala pa ba ninyo ang kwento ni Glenn sa storyang The Perfect Stepbrother 2? Well, here's a short story about a little behind the scene. Kilalanin ang masugid na number fan ni Papa Glenn na si Rayne at ang kaniyang mga strategies upang makuha ang...