"san ka galing?" halos mag aalas tres na ng umaga ng dumating si josh. halos di na ito makalakad ng maayos at amoy na amoy ang magkahalong alak at sigarilyo sa kanya.
subalit para akong nagsalita sa hangin ni hindi nya ako tinapunan ng tingin. dumaretso nalang ito ng lakad kahit pagewang gewang. matutumba na sana ito kaya't nagmadali akong alalayan sya.
"ANO BA!!!" bulyaw nito sa akin sabay hawi sa kamay kung nakahawak sa kanya
"tutulungan na kita" puno ng pag aalala ang tinig ko. sa itsura nya ngayon mukhang di nya kayang makaayat ng hagdan patungo sa kanyang silid. muli kong tinangkang alalayan sya ngunit na inis nya ay mas napalakas ang tulak nya sa akin sanhi ng pagkatumba ko.
tiningnan nya ako na para bang ako ang may kasalanan kung bakit ako napaupo sa lapag ngayon.
"pwede tigilan mo na ang pagpapangap mo. ikaw ang may kasalan kung bakit nagkaletse letse ang buhay!!!" puno ng galit ang bawat salitang binitiwan nya, hindi ko na napigilang mapaiyak sa sinabi nya
"hi-hindi lang naman ako ang maykasalan nito diba" halos hindi na maintindihan ang sinabi ko. pero ngayon na ata ang pagkakataon para masabi ko din naman ang nasa loob ko. sa loob ng limang buwan na pagsasama namin palagi ko na lamang tinatanggap ang masasakit sa sumbat nya sakit. lahat ng masasamang salita at di magandang trato tinanggap ko wala siyang narinig sakin kaya't panahon na para ako naman dahil sobrang sakit na.
pinilit kung tumayo kahit nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. tinitigan ko siya sa mga mata. kitang kita ko ang lalim ng kanyang paghinga tanda ng nagpipigil na galit. tahimik pa din siya at hindi umalis sa kanyang pwesto
"ikaw naman talaga may kasalanan diba?" tuloy tuloy ang agos ng luha ko at hindi ko inalis ang mga mata sa kanya. hindi pa din siya nagsalita.
katahimikan ang bumalok sa aming dalawa. magsasalita pa sana ako ulit ngunit tumalikod na siya at aktong aakyat na ng hagdan.
"ano??? bat di ka magsalita. kasi kasalanan mo. ginahasa mo ako josh at wala akong nagawa non kundi manahimik.at tanggapin lahat ng masasamang salita galing sa inyong lahat.." panandalian kung nahinto ang sasabihin ko dahil hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ngunit pinilit ko pa din at dahan dahana akong lumapit sa kanya na ngayong nakatingin na lamang sa akin. hindi ko mabasa ang mga mata mata nya
"...sinasabi nila na kala mo kung sinong santa yun naman pala pakawang babae. na pinikot kita. nilasing kita para may mangyari satin. na pinakulam kita at kung anu- anong masasakit na salita pa ang naririnig ko sa ibang tao. pero tinanggap ko yun. kaso di lang sila ang may sinasabing masasakit pati pamilya ko at ikaw. lahat kayo ako ang sinisisi sa kasalang ito. pero ang hindi nila alam IKAW. ikaw ang may kasalanan. ikaw . ikaw .kaw" sabay hampas sa dibdib nya.