NAGISING akong halos hindi na maimulat ang aking mga mata dahil sa magdamagang pang iyak, isang araw na naman ang kailangan kung harapin. hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para malagpasan ang panibagong araw na ito.
kahit hindi maganda ang aking pakiramdam ay nag simula na din ako sa aking araw-araw na ginawa. sinimulan ko sa pagluluto ng pagkain, lunes ngayon kailangan ko din umalis ng mas maaga upang hindi masyadong matraffic sa pag pasok ko sa eskwela.
matapos kong gawin ang lahat ng dapat kung gawin at makapag-ayos ng sarili ay pinagmasdan ko saglit ang silid ni josh, nakasado ang kanyang pintuan at tahimik sa loob hindi ko alam kung gising na ba siya o hindi pa. kahit na gusto ko siyang puntahan upang makasigurado na gising na dahil may klase din siya ay hindi ko dapat gawin. ayaw na ayaw niyang pumapasok ako sa silid nya at ang pinakaayaw niya sa lahat ang kausapin ko siya.
natauhan ako sa aking pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ni josh at lumabas siya, nakaayos na siya mukhang papasok na din. kahit nagtama ang aming mga mata ay animo isa akong munting gamit na dinaanan lamang nito.
"nagluto ako ng almusal, baka gusto mo munang kumain bago ka umalis" mabilis kong pahayag habang siya’y mabilis na naglalakad pababa. pero gaya ng inaasahan ko para lang akong nagsalita sa hangin.
ganito ang laging eksena sa aming bahay naturingan kameng kasal at nakatira sa iisang bubong subalit hindi naman kame nag-uusap. minsan ko lang naririnig ang boses nya na ako ang kinakausap pero palaging pasigaw at galit. pag nasa labas kame ng bahay ay parang hindi kame magkakilala.
hindi ko na siya nakita pag baba ko malamang ay pumasok na siya. napabungtong hininga na lamang ako. iisa ang aming eskwelahang pinapasuka pareho kameng business ad ang kinukuhang kurso pero magkaibang ng section, iregular student pero may ilang klase na magkasama kame, masaya sanang klase kung maayos ang aming pagsasama subalit sa aming estado iyon na ata ang pinaka ayaw kung klase.
Isang buwan pa lamang ako dito sa cebu kaya’t wala akung kaalam alam sa lugar na ito. Laki ako sa Makati. Ibang iba at malayo sa lugar na ito. naalala ko nung kararating ko palang ditto sa cebu.
"doon ang kwarto mo sa kabila, ito ang kwarto ko at wag na wag kang papasok dito kung hindi malilintikan ka" puno ng pagbabanta ang tono ng boses nya, tango lamang ako ng tango
matapos kung ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na din ako naabutan ko si josh na nanonood ng TV sa sala. marahan lang akong pumunta sa kusina upang makainom ng tubig, naiilang din ako dito sa aming bahay kaming dalawa lang din ang tao.
halos mabitawan ko ang baso ng mag salita si josh. "maupo ka" agap akong napatingin sa kanya upang siguraduhin kong ako ba ang kayang kausap. nagtama ang aming mga mata diretso ang tingin niya sakin ngunit walang akong makitang emosyon dito
agad akong umupo malapit sa kanya. ilang saglit na katahimikan bago niya ilapag sa lamesa ang isang brown envelop, puno ng pagtataka ko siyang tinitigan
"binigay yan ni daddy, bukas pumunta ka sa st. louis university at ibigay mo yan sa registrar"
"ano?"hindi ko alam kung anong dapat na isagot o itanong sakanya
"tanga kaba. pumunta ka sa st. louis university dahil don kana mag aaral" nakakatakot ang naging sagot nya.
nanatili pa din akong tamihik at nag aantay ng susunod nyang sasabihin. pero mukhang un lang talaga ang sasabihin nya. patayo na sana ako ng maalala kong saan ba ang school na un, baka maaari nya akong samahan pagpunta don.
"oo nga pala, hindi kasi ako pamilyar sa cebu, baka pwede mo akong samahan bukas o ihatid-"
"hindi ako nandito para maging guardian mo, magtaxi ka nalang." hindi na siya nakatingin sakin pag kinulit ko siya baka magalit lang kaya bahala nalang bukas