Alliyah Sheen Castro
Isang babae na palaging binubully dahil sa itsura nito
Babaeng palaging nasasabihan nang pangit
Babaeng palaging nasasabihan nang mahirap
Babaeng hinding hindi mo maiisip na magugustuhan nang lalaking nag ngangalang Kyle Aki Montenegro
Ang lalaki na tinitilihan nang lahat dahil sa angking kagwapohan nito
Ang isa sa mga anak nang may ari nang paaralan na kung saan sya ay libreng nag aaral dahil sya ay isa sa mga scholar nang paaralang iyon
Ang babae na kinaiinisan nang lahat dahil nagkagusto sa kanya ang tao na kanilang pinapangarap
Sya ay nahusgahan bilang gold digger
Pero tinanggap nya lahat nang sinasabi nang mga tao dahil sya rin nama'y nahulog na sa taong hindi nya lubos maisip na kanyang mamahalin
Kaya nyang tanggapin lahat lahat para sa taong minamahal nya
Mahal na mahal nila ang isa't isa ngunit akala lang pala lahat nya yun
Dahil ang totoo ay pinaglaruan lamang sya nang tao na akala nya ay syang kukumpleto nang buhay nya
Ngunit...
Nagkamali sya
Pinglaruan lamang sya nito
Sinaktan lamang sya nito
At ito ang dahilan kung bakit sya ay nasasaktan nang husto
Nasasaktan nang husto na umabot na sa puntong naisipan nyang maghiganti
Oo maghiganti
Ang tanging paraan upang maiangat nya pa ang lugmok na lugmok nyang sarili
Gusto nyang makaganti sa ginawang pagsaktan sa kanya
Ngunit hindi nya alam kung makakaya nya bang makitang nasasaktan rin ang taong kahit kailan ay hinding hindi nya gustong makitang nasasaktan at nagdudusa
Kaya nya bang saktan ang unang tao na nagturo sa kanya kung paano magmahal?
Kaya nya bang saktan ang kauna unahang tao na kanyang minahal nang lubusan?
Kaya nya bang maghiganti sa taong ayaw nyang makitang nasasaktan?
Ano ba ang mas mabuti?
Ang balewalain lahat nang sakit na kanyang naramdaman o ang paghihiganti para kahit papaano ay makaganti rin naman sya
Dapat bang balewalain nya nalang ito?
Dapat bang hayaan nalang nya na ang sarili nya na lamang ang magdusa sa ginawang panloloko nito?
Dapat bang hayaan nya nalang itong masaya habang sya ay nagiging mas miserable?
Maraming tanong
Ngunit iisa lamang ang solusyon
At ang solusyon na iyon ay ang kanyang
"The Revenge of my Love"
******************************************************
Hope na nagustuhan nyo ang prologue guys
Enjoy reading guys!!!
YOU ARE READING
The Revenge of my Love
عشوائيAng babaeng nagmahal ngunit sinaktan lamang at dahil sa sakit na naramdaman ay naisipan nito na maghiganti