Tagsen
Puso ko noon madalas mahapo,
Pero nang landas natin ay nagkatagpo,
Mundo ko nag-iba ang silakbo,
Oras ko ay bumabagal ang takbo.Kinabisa ko ang iyong wangis,
Lihim ka na lamang kung tumangis,
Pero makipaglaban sobrang bangis,
Pag-ibig natin ay pinaghalong tubig at langis.Ang mahalin mo rin nagdulot sa 'kin ng tuwa,
Titigan ka, kailanman di ako magsasawa,
Nais ko malaman bawat kilos mo't gawa,
Sapagkat tayo magsasama sa hirap at ginhawa.Anak natin ang s'yang patunay,
Na natawid natin ang matarik na tulay,
Lahat para sa inyo malaya kong iaalay,
Kayo ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.Labis-labis aking pasasalamat,
Kahit ating pag-iibigan muntik ng magkalamat,
Kayong dalawa ang natatangi kong agimat,
Ating kuwento maaring maging alamat.
BINABASA MO ANG
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoesiaMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...