(A/N): Yung ang dami-daming kwento na gusto ko isulat pero di ko magawa ng sabay-sabay. Sorry guys dun sa mga stories na hindi ko pa rin matapos, busy kasi sa School works e -_- Thank you.
-
Ang bilis-bilis ng pangyayari. Ilang weeks na lang gagraduate na ako ng High School. Ang saya hindi ba? Onting taon na lang at matutulungan ko na sila Mama at Papa. Pero ilang linggo na lang Iiwan ko na si Bantot :(
Hays. Nakakalungkot :( Para akong zombing naglalakad dito sa hallway, bagsak ang mga balikat at nakasimangot! Parang kailan lang tuwing naglalakad ako sa hallway na 'to biglang susulpot si Bantot at mangaasar. Pero simula last week hindi na siya naging active sa pangaasar niya sakin at simula din nun naging malungkot na ang buhay estudyante ko.
"Hoy! Baho!!" Tama ba ang narinig ko? Baho? Si bantot lang naman ang tumatawag sakin ng ganun.
Napahinto ako sa lakad at napa'straight body. Dahan-dahang lumingon!
-________-
P-pero? Walang tao?? Ugh! Ano ba 'tong nangyayari sakin? Napaupo ako sa sahig at napayuko. Hays! Bakit ba ako nagkakaganito!?
"Ang bango, Ang bango ng buhok mo. Ang bango ng amoy mo! Matagal na kitang gusto"
Biglang may nagsalitang lalaki. At kung hindi ako nagkakamali ay si Bantot yun! Iniangat ko agad ang ulo ko at tumungin sa direksyon kung san nagmula ang boses na yun.
Si... si bantot? May kasama siyang babae. Magkausap sila, Nakaharap siya sa babae pero sakin siya nakatingin. T-teka? tama ba? sakin siya nakatingin? kumurap-kurap ako at tinignan ko ulit sila. Pero naglalakad na sila palayo.
"BANTOOOOOOOOOT!" Sigaw ko sakanya pero hindi niya ko pinansin. Yung babae lang ang tumingin sakin habang naglalakad sila palayo at akbay siya ng taong mabantot
Ano bang nangyayari? Hayssss... Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Siguro nasanay lang talaga ako sa presence niya? Simula elementary nagaasaran na kami at ngayon lang siya sumuko :3
Si "Ian StevanTOT Cruz" A.K.A BANTOT - ang lalaking walang sawang nangbwi-bwisit ng araw ko! Araw-araw na lang niya akong inaasar. Ilang beses na nga siyang na'guidance dahil minsan napapaiyak niya ako. Pero hindi pa din siya tumigil sa kakaasar sakin kaya ngayon hinahanap-hanap ko yung ginagawa niya. Siguro nakasanayan ko na yung pagdadaan ako ng hallway hindi pwedeng walang mangbabatok sakin at mangaasar. Gusto ko na ngang isipin na lagi niya akong sinusundan dahil kahit saan ako magpunta ay nandun din siya para asarin ako. BAHO ang tawag niya sakin. Ewan ko kung bakit? Nagawa niya akong bwisitin ng almost 13years.
--------------------
Practice na ng graduation. Papunta ako ng court dun kasi kami magpapraktis. Biglang may umakbay sakin nagulat ako kaya napatingin ako sa umakbay sakin.
"Namimiss mo na si Ian no!?" Si Damon lang pala. Kaibigan ni bantot
"Namimiss ka jan? Hindi ah. Buti nga hindi niya na ko inaasar e" Sagot ko naman. Napaka mapagpanggap ko talaga :3 Inalis ko ang pagkakaakbay sakin ni Damon.
"Sus! Kayne! Wag mo na kong lokohin. Kahit ako naninibago na dyan kay Ian. Medyo tumahimik na siya. Tsaka alam ko, namimiss ka din nun!" Biglang sumeryoso yung tono ng boses niya kaya napatingin din ako sakanya. Nakita yung seryoso niyang mukha.
Tumingin din siya sakin. "Oh? Bakit? Hahahaha. Gusto mo yung narinig mo? Namimiss mo siya no?" Sabay ang tawa niya at ginulo niya ang buhok ko. Nauna na siya papuntang gym. Baliw din yune! Ako naman napahinto sa paglakad.