CHAPTER ONE
Jealous Than
•••Maagang umuwi ngayong araw na ito si Janet sa trabaho. Dumiritso na siya sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse. She's actually an accountant manager. Kahit masyadong busy sa kinuhang propesyon, she asked to leave work early at 3:30 pm. Ito ay sa kadahilanang kaarawan ngayon ng nag-iisa niyang anak na babae.
Pinaandar na niya ang kanyang kotse at umalis.
Habang nasa byahe pauwi, tumigil muna sa isang intersection highway ang kotse ni Janet dahil naka-red light signal sa direksyon niya. Nagsimula nang tumawid ang mga tao sa may pedestrian lane. Kinuha ni Janet ang kanyang cellphone sa bag dahil naririnig niya itong nagri-ring, ibig sabihin, may tumatawag.
Napangiti na lamang siya nang makita niya sa screen ang pangalan ng tumatawag. She presses the answer button and places it near her ear.
"Hi, baby."
"Mommy, where are you na? Dad is already here," sagot ng batang babaeng boses na nasa kabilang linya.
"Pauwi na ako baby, okay? Just tell your dad na hintayin ako riyan."
"Okay, mommy. Take care ka po."
"Thank you, baby. Bye, I love you."
In-end na niya ang tawag saka napatingin siya doon sa likudan ng kotse kung saan may malaking regalo na nakalagay. She's excited to give this present to her daughter. Nang mag-green light signal na, sinimulan na niyang paandarin ulit ang kanyang kotse.
Ngunit bago makaalis, hindi namamalayan ni Janet ang isang napakalaking truck sa likod kung saan nagzi-zigzag na dahil ayaw gumana ng brake nito. Marami na ang nababangga ang truck kung kaya, ang mga sasakyan at mga kotseng nababangga nito ay nagkalasog-lasog habang iyong iba naman ay nababangga sa kapwa sasakyan.
No one is expecting this incident to happen, especially on the highway.
Napansin ni Janet ang mga taong nasa gilid lang ng karsada na napapahinto habang nakatingin sa bandang likudan. Tiningnan niya ang kanyang rearview mirror. Napakunot ang kanyang noo sa nakita. Mga taong gulat at hindi magkandaugaga sa pagtakbo na may takot na nakapaskil sa kanilang mga mukha.
Nanlaki bigla ang mga mata ni Janet nang mapansin niya ang isang bumubusinang truck sa kanyang sideview mirror. Napapansin niyang wala na sa ayos ang pagkakatakbo nito at marami ng sasakyan ang nababangga. Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig sa nakita. Hindi niya alam ang gagawin dahil sobrang lapit na ng truck sa kotseng sinasakyan niya. Hindi niya man lang magawang paandarin ito dahil para siyang nanigas sa kaniyang kinauupuan.
Napatingin si Janet sa hindi kalayuang direksyon. May nakita siyang pigyura ng tao na naka-black hooded cloak at may dalang scythe. Napamura na lamang siya sa sarili at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sa sobrang bilis, pwede na siyang atakihin sa puso lalo na sa sobrang takot na nararamdaman.
"G-Grim reaper," bulong niya sa sarili. Napansin niyang umangat ang tingin nito sa kanyang direction na ikinanlaki ng kanyang mga mata lalo.
Bang!
Biglang tumilapon ang kotseng sinasakyan ni Janet! Ang truck na nakabangga dito ay tumigil na rin dahil nabangga ito sa poste ng kuryente. Mahahalata ang nagkalasog-lasog na itsura sa unahan nito. Ang dalawang taong nasa malaking truck ay naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is the Grim Reaper (Completed)
Paranormal#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all you'll need to remember is seeing my work with your own two eyes. Because they won't survive, they wi...