"Munting tulang alay sa inyo"
Hindi akalaing dito matatapos,
Pagsasamang tila ba kinapos.
Masasayang ala-alang patuloy aalahanin,
Bawat sandali'y ating gugunitain.Unang araw nang tayo'y nagkasama-sama,
Hindi nagkikibuan sapagkat nahihiya pa.
Maraming araw ang nagdaan nang makilala ang isat-isa,
Sa huli'y heto at magkakaibigan na.Masasayang ala-ala'y unti-unti nang nabubuo,
Pagmamahal sa isat-isa'y unti unti nang lumalago,
Mga problemang dumaraan sabay-sabay na sinugpo,
Isang pamilya ang tila ba'y nabuo.May mga pagkakataong nagkakaaway-away,
Hindi ma-isip ang paghihiwalay.
Nanaig pa rin ang pagmamahalan,
Dahil lahat ay pinapahalagahan.Dumadating man ang mga pagsubok,
Inaayos sa loob ng apat na sulok.
Mga proyekto,pagsusulit at aktibidad,
Heto't nagtutulungan, mga kaibigang maabilidad.May mga gurong kinaiinisan,
May mga gurong hinahangaan.
May mga gurong tinuring nang magulang,
Lahat sila'y pinasasalamatan, walang labis walang kulang.Iba't-iba man ang ugali,
May kinaiinisan man lagi.
Nahihirapan man sa mga gawain
Lumalaban pa rin para sa Adhikain.May panahong kami'y umiibig,
Halong saya at lungkot ang lumalabas sa bibig.
Sa mga pagkakamali'y naatututo ng paulit-ulit,
At patuloy pa ring nagmamahal ng walang kapalitIlang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon ang lumipas,
Aming pag-ibig sa isa't-isa'y hindi kumukupas.
Lalong tumibay ang pagsasamahan,
Pagka't ito'y pinuno na ng pagmamahalan.Dumating na ang oras ng pagkakawatak,
Hindi akalaing matatapos ang pagkakahawak.
Ano mang mangyari'y walang kalimutan,
Pagka't tayo'y iisang pamilyang nagtuturingan.Nawa'y matupad lahat ng ating mga pangarap,
Matuto sa mga pagkakamaling naganap.
Isentro ang diyos sa ating buhay,
At patuloy na magmahal nang walang hinihintay."Mahal ko kayo PEACEFAM"