Chapter 10: Still my Queen

45.1K 1.7K 897
                                    


Kheana's POV.



Nandito ako ngayon sa Mall, hinihintay si Andy. Nag-message kasi ito na magkikita kami after yung meeting niya kaya nauna nalang ako dito sa meeting place namin. Hindi naman sa excited pero gusto ko lang maaliw muna bago makipagkita sa kanya.



I was about to stand up when someone standing infront of me holding a three pieces of rose, dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko. naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko ng makita ko siya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Drake na may gusto siya sakin.




"What? Tititigan mo nalang ba ako? Alam kong namiss mo ako pero mas namiss kita, Kheana" nakangiting wika niya.




Fvck! Yung dimple niya.




"Kirby? What are you doing here?" Nauutal na tanong ko sa kanya.




Oo. Si kirby. Yung masungit kong boss sa New York.




"Namimiss na kasi kita eh. Flowers. Para sayo yan" sabi niya sabay abot sakin yung hawak niyang bulaklak. Kinuha ko nalang ito dahil ayokong mapahiya siya.




"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko.



"Kahapon lang. Bakit? Ah. Oo! Alam kong namiss mo na din ako" nakangiting wika nito sakin. Inirapan ko nalang siya.




"So, sinong ka-meet mo?" Tanong niya sakin habang palinga-linga ito sa paligid.




Naku! Patay! Baka maabutan siya ni And—



"Kheana!" Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Andy mula sa likuran ko. Binitawan ko agad yung hawak kong bulaklak na binigay ni Kirby.




"Sino siya?" Tanong agad ni Andy sakin bago tumitig kay Kirby.




"Ikaw si Andy, diba? Yung kapatid ni Drake?" Tanong ni Kirby kay Andy. Tinitignan ko lang silang dalawa.




"Yes. Ba't mo ako kilala?" Nagtatakang tanong ni Andy.




"Sino naman ang hindi makakakilala sayo, lagi kaya kitang nakikita sa magazines ng Montebello Empire" sabi niya.




Seriously Kirby? Baka naman ini-stalk mo si Andy?




"Sandali. Baka naman kayo talaga ang magmi-meet?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Agad silang napatingin sakin. Tinaasan ko sila ng kilay.




"Kheana, siya ba ang ka-meet mo?" Tanong niya sakin.




"Yes. Ako nga. Bakit?" Sagot agad ni Andy.




"Hindi naman siguro serious date ito no? Pwede bang maki-join" hirit pa ni Kirby.




"Oo naman" sagot ko agad, bago umupo. Napangiti agad si Kirby, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.





Natauhan nalang ako ng sikuin ako ni Andy kaya umayos ako ng upo.




Habang kumakain kaming tatlo ay biglang nagsalita si Kirby.




"Siya nga pala, Kheana. I'm sorry if i did not tell you na si Drake ang kasama mo nung umuwi ka dito sa Pilipinas" natigilan agad ako sa pagnguya ng sabihin ni Kirby iyon. Natigil din si Andy sa pagkain at matamang tumingin sakin.





Napakagat-labi nalang ako. Yari ako dito.




"What are you talking about?" Salubong ang kilay ni Andy na nakatingin kay Kirby. Pinanlakihan ko ng mata si Kirby.





The Second Time Around (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon